^

PSN Palaro

Bata nanalo sa 8 ball sa Los Angeles

-
Ipinakita ni Efren ‘Bata" Reyes na nananatili pa rin sa kanyang mga kamay ang kanyang magic nang mapagwagian ang Accu-Stats 8-Ball Invitational Tournament sa Burbank Hilton sa Los Angeles makaraang talunin si Roger Griffis ng Amerika, 8-3 sa finals.

At sa round robin format, pinayukod ni Reyes, kilala sa buong mundo sa taguring "The Magician" ang ngayong taong World Pool Champion Mika Immonen ng Finland, 8-6 at ang dating US Open at world champion Johnny Archer, 8-7 ang Amerikanong si Tony Frank, 8-5 at ang kababayang si Francisco ‘Django’ Bustamante, 8-5 upang maka-entra sa finals.

Ang three-time world 8-ball champion ay bumalik ng Manila mula sa Los Angeles kung saan nakipaglaban ito sa tinaguriang "The Black Widow" na si Jeanette Lee sa Billiard Challenge noong isang linggo at nagwagi ito sa iskor na 13-5.

Ipinakita rin ni Reyes na siya pa rin ang pinakamahusay na cue artist sa mundo nang kanyang gapiin ang five-time US Open champion Earl "The Pearl’ Strickland, 13-9 sa finals ng 1st US Masters 9-Ball Championship.

At dahil sa kahilingan ng karamihan, kasalukuyan ng tinatrabaho nina Viva Vintage Sports president Vic del Rosario at Aristeo "Putch" Puyat ng Puyat Sports ang ilang major international tournament sa darating na Disyembre na magtatampok kina Immonen, European champion Ralf Souquet, Americans Cory Duel at Strickland at Filipino champions Reyes at Busta-mante.

Nakatakdang sumabak sina Reyes at Bustamante sa International 9-Ball Open sa Tokyo sa tournament na lalahukan rin nina Immonen, Souquet, Strickland at American sensation Cory Duel. Ang top two Filipino cue artist ay lilipad naman patungong Poland kung saan sila ay ilan lamang sa napiling inimbitahan na sumali sa World Pool League at matapos ito, sila ay magbabalik sa Japan para sa All Japan Championship.

ALL JAPAN CHAMPIONSHIP

AMERICANS CORY DUEL

BALL CHAMPIONSHIP

BALL INVITATIONAL TOURNAMENT

BALL OPEN

BILLIARD CHALLENGE

LOS ANGELES

REYES

STRICKLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with