^

PSN Palaro

Marino, Pagunsan nag-ambag ng ginto

-
KUALA LUMPUR–Isinalba ng archery at golf ang matamlay na araw ng kampanya ng bansa makaraang mag-ambag ng tig-isang gintong medalya dito sa 21st Southeast Asian Games.

Pinana ni Purita Joy Marino ang gold medal sa women’s individual habang pinalo naman ni Juvic Pagunsan ang gold sa men’s individual golf na nagbigay ng konting pag-asa sa tinutumbok na fourth overall finish.

Tinalo ng 30 anyos na si Marino para sa gold ang pambato ng host Malaysia na si Lim Geok Pong at Rusena Gelanteh ng Indonesia na nag-uwi ng silver at bronze medal ayon sa pagkakasunod.

"Masaya ako at nanalo," tila hindi makapaniwalang pahayag ng tubong-Dumaguete na archer.

Pumalo naman ng 279 ang 21 anyos na Canlubang Open champion na si Pagunsan para dakmain ang gold.

Malungkot naman na nagdiwang si rower Benjie Tolentino nang silver la-mang ang maisagwan nito sa men’s Single Skull event sa bilis na 00:07:30.17 at maging ang men’s Coxless Pair ay dumukot din ng silver sa araw na ito.

Hindi rin maganda ang araw para sa mga boksingero nang isa lamang sa apat na Pinoy ang nakalusot sa semifinal match ng boxing event.

Umusad sa finals si Arlan Lerio na nakasiguro ng silver makaraang pataubin si Aung Tun Lin ng Myanmar 22-12.

Nakuntento na lamang sa bronze medal sina Larry Semillano, Maximo Tabangcora at Reynaldo Galido nang matalo ang mga ito sa kani-kanilang laban.

Yumuko si Galido kay Manon Boojumnong ng Thailand sa iskor na 14-9 at bumagsak din sa kamay ng isa pang Thai boxer si Tabangcora makaraang daigin ito ng defending champion na si Somchai Chimlum.

Bagamat kung pagbabasehan ang trend para sa bansa, tila malayong maabot ang tinatarget nilang 40 golds.

" We still have several sports to go like athletics, archery, bowling, cycling, golf, judo ang pencak silat where we feel we have strong chances for gold, so finishing fourth overall is still possible," kumpiyansang pahayag ni POC president Celso Dayrit.

" I believe we’re still on track (of finishing fourth overall). The bronze me-dal criteria we set back in Manila is now helping us because at least we know that our athletes are competitive." segunda naman ng chef de mission na si Freddie Jalasco.

Maaring magbigay ng katotohanan ang mga mithiing ito dahil malakas ang loob na nag-predict ng 7 golds si PATAFA chief Go Teng Kok.

Kasalukuyang nilalaro pa ang ilang events sa athletics habang sinusulat ang balitang ito.

ARLAN LERIO

AUNG TUN LIN

BENJIE TOLENTINO

CANLUBANG OPEN

CELSO DAYRIT

COXLESS PAIR

FREDDIE JALASCO

GO TENG KOK

JUVIC PAGUNSAN

LARRY SEMILLANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with