Titulo winalis ng Welcoat sa Alaxan-PBL Chairman's Cup Finals
June 22, 2001 | 12:00am
May malalim na kahalagahan ang tagumpay ng Welcoat Paints sa Shark Energy Drinks, 70-62 na nagkaloob sa kanila ng titulo sa PBL Chairmans Cup matapos maitala ang 4-0 sweep kahapon sa Makati Coliseum.
Bukod sa matagum-pay nilang naidepensa ang titulo, nakaganti na rin ang Paint Masters sa kanilang pagkatalo kontra sa Power Boosters sa Challenge Cup noong Pebrero.
Ang back-to-back title na ito ng Welcoat ang kanilang ikaapat na titulo sa kanilang limang sunod na finals appearances.
Sapat na ang naitalang 17 puntos na kalamangan ng Paint Masters sa first half, 46-29 matapos kumawala sa ikalawang quarter at kanila itong pinangalagaan sa likod ng pagpupursige ng Shark na makabangon.
Nakalapit pa ang Power Boosters sa 62-67 matapos ang tres ni Chester Tolomia, 40 segundo ang natirang oras sa labanan, ngunit ang split shot ni Celino Cruz at dalawang free throws ni Eugene Tan ang tuluyang nagselyo ng kanilan tagumpay.
Buhat sa 17-16 ben-tahe ng Paint Masters sa pagsasara ng unang canto, lumobo ito sa 38-22 nang pamunuan ni Yancy de Ocampo ang isang mainit na 19-2 salvo.
Bagamat nalimitahan ng Power Boosters ang Shark sa 7 puntos lamang sa third quarter at higit pang nakadikit sa 53-58 sa final canto, naging matatag ang Welcoat tungo sa kanilang tagumpay.
" I give it to my players because they were very dedicated to win the series," ani coach Junel Baculi ng Welcoat. " Im very grateful that I have the support of the team and management, kaya kami nanalo."
Nahirang na Most Valuable Player ng kum-perensiyang ito si Chester Tolomia ng Shark at napili namang MVP ng Finals si Jojo Manalo ng Welcoat.
Kasama ni Tolomia sa Mythical Team ay sina Rene Ren Ritualo, Marlon Legaspi, Roland Pascual at Yancy de Ocampo.
Samantala, ginawaran ng PBL Press Corps ang coach ng Giv Soap na si Nat Canson ng Lifetime Achievement Award bilang pagkilala sa kanyang naibahagi sa Philippine basketball sa nakalipas na 36 taon.
Si Canson ay nagsimula ng kanyang basketball career bilang assistant coach noong 1974 bago kanyang pinangasiwaan ang Crown Motors Corporation sa pagsungkit ng korona sa MICAA noong 1976. Mula dito siya ay nagsilbi ng head coach ng ibat ibang amateur at professional teams.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended