^

PSN Palaro

Sa PBL Chairman's Cup Ikalawang panalo ipininta ng Welcoat via OT

-
Determinado ang defending champion Welcoat Paints na mapanatiling hawak ang kanilang korona nang kanilang igupo ang Shark Energy Drinks, 80-79 sa overtime sa Game Two ng kanilang best-of-seven titular showdown sa PBL Chairman’s Cup kagabi.

Bunga ng panalong ito, nailapit ng House Paints ang kanilang katayuan tungo sa inaasam na korona matapos na iposte ang 2-0 bentahe sa serye.

Nagsilbing bayani sa tagumpay ng House Paints ang impresibong laro ni Jojo Manalo sa huling maiinit na bahagi ng labanan nang umiskor ito ng reverse lay-up upang ilagay ang Welcoat sa panigurong 80-79 kalama-ngan, patungong 1.1 segundo na lamang sa oras.

Huling nagkalapit ang iskor sa 78-79 pabor sa Power Boosters, ilang segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro bago naisalpak ni Manalo ang nagpanalong basket.

Hindi napakinabangan ng Power Boosters ang dalawang free throws ni Chester Tolomia sa huling 10.2 segundo nang umangat ang Shark mula sa 77-78 matapos na sumablay ang minadaling jumper ni Topex Robinson sa huling possession.

Itinulak ng Ana Freezers sa do-or-die match ang kanilang best-of-three series para sa konsolasyong ikatlong pu-westo nang kanilang igupo ang Giv Soap, 90-85 sa Game 2.

vuukle comment

ANA FREEZERS

BUNGA

CHESTER TOLOMIA

GAME TWO

GIV SOAP

HOUSE PAINTS

JOJO MANALO

POWER BOOSTERS

TOPEX ROBINSON

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with