^

PSN Palaro

Give na give sa PBL Chairman's Cup

-
Naglatag ang Giv Soap ng mala-lintang depensa sa huling maiinit na bahagi ng final canto upang igupo ang Osaka Iridology, 77-69 at itala ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pag-papatuloy ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Nagsilbing bayani ng Giv sina Marlon Legaspi at Francis Sanz nang magtulungan ang dalawa sa opensa at limitahan ang Iridologist na dahilan upang malasap ng Osaka ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan.

Tumapos si Legaspi ng 17 puntos, bukod pa ang hinatak na apat na rebounds at dalawang supalpal kung saan nakakuha rin siya ng suporta mula kay Edwin Bacani na gumuhit ng 17 puntos.

Hindi nakaporma ang Osaka sa inilutang na zone defense ng Soap Master sa huling tatlong minuto ng third canto kung saan nanalasang mag-isa si Eric dela Cuesta nang kumana ng 8-0 salvo para sa 60-59 kalamangan sa pagtatapos ng naturang quarter.

"We had a sloppy start. Medyo naging complacent ang mga bata dahil tinalo namin sila in a pre-season tune-up. Pero noong nag-zone defense na kami with almost three minutes left in the third, nagtuloy-tuloy na," wika ng guro ng Soap Masters na si Nat Canson.

"I should say this is a much stronger and better team dahil kay Gumatay (Ogie) and of course, nagka-experience na rin yung mga bata kaya mas kabisado nila ang isa’t isa," dagdag pa ni Canson.

Hindi nagawang sustinahan ng Osaka ang kanilang naitayong 59-52 bentahe matapos na magsalpak si Omar Asmad ng tres may 2:43 ang nalalabi sa third period.

At dahil sa higpit ng depensa ng Giv, isang umuusok na 17-7 bomba ang pinakawalan ng tropa ni Canson na higit pang nagpalago ng kanilang kalamangan sa 77-66.

Isa sa naging kahinaan ng Osaka ay ang kanilang matamlay na shooting sa free throw line kung saan 4 lamang ang kanilang naikunekta matapos ang 11 pagtatangka na sinamahan pa ng maraming pagtatapon ng bola.

CANSON

EDWIN BACANI

FRANCIS SANZ

GIV

GIV SOAP

MAKATI COLISEUM

MARLON LEGASPI

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with