^

PSN Palaro

Blu nakasiguro ng slot sa 3rd place ng PBL Challenge Cup

-
Humakot si Edwin Bacani ng 14 puntos upang pamunuan ang pananalasa ng Blu Sun Power tungo sa kanilang 77-60 panalo kontra sa Hapee sa pagpapatuloy kahapon ng semifinals ng PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum.

Ang panalong ito ng Blu, ika-8 sa kanilang 14 na pakikipaglaban ang nagkaloob sa kanila na makaseguro ng isang slot sa best-of-three series para sa konsolasyong ikatlong puwesto.

Taliwas naman sa Teeth Sparklers lumasap ng walong talo sa kanilang 14 na laro, obligado silang ipanalo ang kanilang nalalabing huling laro sa Martes kontra sa defending champion Welcoat Paints upang makuha ang karapatang harapin ang Blu.

Matapos ang 27-19 ng Blu, nagpasiklab sina Arnie Canoza at Marlon Kalaw upang palobohin ang kanilang kalamangan sa 44-26 sa pagtiklop ng halftime mark.

Mula dito hindi na nagawa pang makabangon ng Teeth Sparklers at tuluyan na itong naiwanan ng hanggang 19 puntos, 69-50 sa kaagahan pa lamang ng final canto.

Kontrolado din ng Blu ang boards (44-36), nagpamalas rin ito ng tikas sa opensa nang magposte ng 52% (31-of-59) bukod pa sa pagkulekta nila ng 17 puntos sa fast-breaks, bago umiskor pa sila ng 16 puntos mula sa 17 pagtatapon ng bola ng Hapee.

Samantala, iginiit ni PBL Commissioner’s Chino Trinidad na ang pagkakasangkot ng liga sa basketball super body ay isang kontribusyon sa development ng basketball sa bansa.

"We joined the super body mainly to extend a hand for the development of basketball and it does not mean bowing down before the BAP to help us with the GAB issue. As I’ve said, our appeal against the GAB ruling is already in the hands of Malacañang," wika ni Trinidad.

vuukle comment

ARNIE CANOZA

AS I

BLU

BLU SUN POWER

CHALLENGE CUP

CHINO TRINIDAD

EDWIN BACANI

HAPEE

MAKATI COLISEUM

TEETH SPARKLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with