^

PSN Palaro

Red Bull pinataob ng SMBeer para pumasok sa finals

-
Nakalapit sa finals ang defending champion San Miguel Beer makaraang igupo ang Batang Red Bull, 82-68 sa Game Two ng semifinals series ng PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Bumawi si import Lamonth Strothers sa kanyang mahinang performance sa first half nang pumutok ito sa final canto tungo sa 2-0 bentahe ng Beermen sa best-of-five semis series.

Umiskor si Strothers ng 12 puntos sa kanyang tinapos na 20 puntos sa fourth quarter bukod pa sa kanyang walong rebounds at tatlong assists.

Bagamat naglaho ang naipundar na bentahe ng Beermen sa first quarter nang bumangon ang Red Bull sa sumunod na yugto at umabante ng 6 na puntos sa third quarter, nagising sa tamang oras ang SMBeer upang mapasakamay ang tagum-pay.

Buhat sa 58-55 bentahe ng Thunders, umiskor ng tres si Dwight Lago upang simulan ang 22-4 run kung saan pumukol ng 7 sunod na puntos si Danny Seigle na naghatid sa Beermen sa 15 puntos na abante, 77-62.

Bagamat nagtangkang bumangong muli ang Red Bull, kumana naman si Strothers ng tres papasok sa huling dalawang minuto ng labanan at isang basket para sa 82-66 kalamangan ng SMBeer may 58 segundo na lamang.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Mobiline at Purefoods para sa Game Two ng kanilang sariling serye.

ARANETA COLISEUM

BAGAMAT

BATANG RED BULL

BEERMEN

DANNY SEIGLE

DWIGHT LAGO

GAME TWO

GOVERNORS CUP

LAMONTH STROTHERS

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with