^

PSN Palaro

Letran kumikikig pa sa playoffs

Pilipino Star Ngayon
Letran kumikikig pa sa playoffs
Nailusot ni Judiel Nitura ng Letran ang killniya laban kina Sofia Dela Cruz at Jezell Silvestre ng San Beda sa SSL Unity Cup.
SSL photo

MANILA, Philippines — Binuhay ng Letran ang kanilang tsansa sa playoffs matapos sibakin ang San Beda University, 25-22, 25-14, 25-21, sa Pool A ng 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Binanderahan ni Judiel Nitura ang pagbangon ng Lady Knights mula sa 16-19 agwat sa gitna ng third set mula sa kanilang 7-0 atake para ilista ang 2-1 record.

Sinolo ng Intramuros-based spikers  ang second spot sa likod ng defending champion National University (3-0) na swak na sa susunod na yugto ng torneong itinataguyod ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R&B Milk Tea.

Iniskor ni Nitura ang pito sa kanyang 11 points sa third set, habang may tig-walong marka sina Kaizah Huyno at Gia Maquilang para sa reigning NCAA champions.

Makukuha nila ang huling playoffs seat sa Group A kung tatalunin ang University of Perpetual Help System DALTA bukas.

Mula sa 16-19 pagkakaiwan ng Lady Knights sa third frame ay umiskor si Maquilang ng kill kasunod ang back-to-back points ni Nitura at kill blocks ni Huyno.

Ang dalawang atake ni Nitura ang nagbigay sa kanila ng 23-19 abante laban sa Lady Red Spikers.

Tuluyan nang sinelyuhan ni Maquilang ang panalo ng Letran.

Ang ikatlong sunod na kamalasan ng San Beda ang nagpatalsik sa kanila sa torneong suportado ng Smart, PusoP.com DICT, Executive Optical, Milo at Summit Natural Drinking Water.

Pumalo siJanelle Bachar ng 12 points para sa Lady Spikers.

Sa ikalawang laro, pinabagsak ng College of Saint Benilde ang Jose Rizal University, 28-26,25-16,18-25,25-22, para iposte ang kanilang unang panalo at manatiling buhay ang kanilang tsansa sa huing playoffs berth sa Pool B.

Bumida si Camilla Bartolome sa tinapos na 18 points mula sa 14 kills, tatlong blocks at ace para sa Lady Blazers na nakabawi mula sa kanilang opening game loss kontra sa second-round bound University of Santo Tomas.

“Ang naging winning factor namin is nag-push kami kahit na parang off ang game ng lahat today, nag-push pa rin kami. And ang galing din kasinag-step up ang rookie namin na middle blocker na si Oba-ob and si Soliven din,” ani Bartolome.

“Siguro kailangan namin matutunan na huwag paunahin na makapuntos ang

kalaban. Kasi sa part na naghahabol kami talagang nahihirapan,” dagdag

pa ni Bartolome.

SHAKEYS SUPER LEAGUE

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with