^

PSN Palaro

Back-to-back wins target ng Creamline vs Galeries

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Lalabanan ng Cool Sma­shers ang Highrisers nga­yong alas-6 ng gabi, ha­bang magkikita sa ala-1 ng hapon ang Nxled Cha­me­leons at Farm Fresh Fo­xies sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Sinimulan ng Creamline ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 25-18, 25-21, 25-18 pagwalis sa Akari sa harap ng 19,106 fans sa pagbubukas ng Sik­lab leg sa SM Seaside Cebu Arena noong nakaraang Sa­bado.

Sa nasabing panalo ng Cool Smashers kontra sa Chargers ay nagta­la si Jema Galanza ng game-high 16 points at 14 excellent receptions, ha­bang may  ambag din sina Pangs Panaga, Michele Gu­mabao, Ishie Lalongisip, Bea De Leon, Tots Carlos at team captain Alyssa Val­dez.

“Malaking bagay sa amin na lahat ng players na­min talagang nagko-contribute kapag pinapasok,” sabi ni coach Sherwin Me­ne­ses. “Talagang kailangan ni­lang magtrabaho kapag ma-lineup sila.”

Determinado naman ang Galeries Tower na ma­kabangon mula sa 23-25, 22-25, 15-25 kabiguan sa Farm Fresh.

Samantala, mag-uuna­han din sa paghataw ng back-to-back wins ang Nxled at Farm Fresh.

COOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with