P60 milyong hinging danyos ng Pinas sa China, kulang pa – PCG
MANILA, Philippines — Iginiit ng Philippine Coast Guard (PCG) na kulang pa ang P60 milyon hinihinging danyos ng gobyerno ng Pilipinas sa China kaugnay sa insidente sa West Philippine Sea (WPS) nitong Hunyo 17 na ikinaputol ng daliri ng isang sundalo.
“Kung susumahin kung ilan na ang dapat bayaran ng China sa atin, napakarami na eh. Not just on last supply mission Las June 17. There was a collision noong December, there was also water cannoning noong nakaraang Mayo. So ang dami na nilang nagawa sa atin,” ani PCG Commodore Jay Tarriela, spokeperson for West Philippine Sea.
Marami na aniyang insidente ng sinadyang pagsalpok ng China Coast Guard sa mga barko ng PCG na ikinasira ng mga kagamitan, bukod pa sa paggamit ng water canon na madalas nilang ginagawa at ang insidente ng laser pointing.
Sinabi ni Tarriela na binabaligtad na naman ng China ang pangyayari sa paniniwalang sila ang may legal na pag-aari sa mga teritoryo sa WPS, gayung napawalang-bisa na ang iginigiit nilang Nine-Dash Line, matapos igawad ng arbitral tribunal sa Pilipinas ang pagmamay-ari sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.
“They are the only country in the world na naniniwala na sila ang may legal authority at responsibilidad dito sa Nine-Dash Line claim na ito,” ani pa ni Tarriela.
- Latest