^

PSN Opinyon

Isa sa umambush sa radyoman ng Capiz arestado

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Mukhang abot kamay nang mabigyan ng hustisya itong pag-ambush sa isang radyoman anchor ng isang local radio station ng Roxas City, matapos na mahuli ng mga kapulisan ni Police Regional Office 6 (PRO6) Director P/BGen. Randulf Tuaño sa bayan ng Tapaz, Capiz.

Ayon sa impormasyong ipinarating sa inyong lingkod, halos isang buwan nang sinusubaybayan ng mga kapulisan ni PRO-6 Tuaño itong suspek na palipat-lipat umano ng lugar kaya nahihirapang masilo at maisalpak sa rehas na bakal. Kaya’t nang maka-tyempo itong mga kapulisan sa pangunguna ng Tapaz Municipal Police Station sa lugar na pinagtataguan nito ay agad na isinagawa ang Intelligence-Driven Operation sa may Barangay ­Polblacion, Tapaz, Capiz kasama ang tropa mula sa Capiz Provincial Mobile Force Company, Roxas City Police Station, Regional  Intelligence Division at Regional Special Operation Group na kung saan hindi na nakapalag pa itong si Alias ‘Doming”, 42 yrs old.

Masuwerte pa ito dahil ni galos ay wala itong natamo sa katawan dahil sa mahigpit na tagubilin nitong si ­PRO-6 Dir. Tuaño na paiigtingin ang kampanya laban sa mga Wanted Persons upang matiyak na ang mga ito ay maihaharap sa hukuman na dumaan sa tamang proseso ng batas. Kung sabagay ligtas naman itong Radyo Anchorman ng tambangan ito ng riding-in-tandem diyan sa may Crossing ng Csta Verde, Barangay Cagay, Roxas City, Capiz noong Hunyo 22, 2026. Kaya’t hindi ito tinalikuran ni PRO-6 Dir. Tuaño at mariing ipinag-utos nito sa lahat ng puwersa ng PRO-6 sa Western Visayas Region na hulihin ang mga suspek na nanambang sa Local Radio Anchorman. At nito ngang bago All Saint’s Day abay, nadakma na itong 2 Top Most wanted Persons ng Panay island.

Ang kabutihan dito ay hindi naibilang sa patay kung kaya’t may pag-asa pang mapatuga ito kung sino ang nasa likod ng pagpa-ambush sa radyo anchorman. Get nyo mga suki? Kasi nga kung idinaan ito sa barabal ng trabaho ng pulis tiyak na kabilang na ito sa ipinagtirik ng kandila nitong Undas. Hehee! Good Job PRO-6 P/BGen. Tuaño Sir! Kung sabagay hindi naman magiging matagumpay itong mga operasyon ni Tuaño sa kalupaan ng mga Ilonggo kung kulang siya sa abilidad at pakikitungo. Di ba mga suki?

Sa panahon kasi ngayon, hindi na puwede ang puro ‘Ngakngak at Putak ng Putak’ ang kailangan kasi ngayon ng madlang pipol ang tapat na trabaho. Hehehe! Get mo SILG Jonvic Remulla. Pag nauna kasi ang sobrang ­katabilan, lalo lamang nakakapagtago ang mga Hono­rable na mga Kriminal. Hindi na kailangang magbigay pa ng pabuya kung kaya din lang naman ng kooperasyon sa madlang pipol upang hindi na gumastos pa ng milyon-milyong datung. Alam na ninyo yan mga suki. Abangan!

 

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with