^

PSN Opinyon

Sa panahon ng tagtuyot ‘wag puro batikos

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Hindi naging maganda sa pandinig ng marami ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noon na maaaring gumamit ng balde sa pagligo upang makatipid sa tubig sa gitna ng epekto ng El Niño. Agad itong binatikos ng ilan at ginawa pang katatawanan sa social media.

Ngunit kung susuriing mabuti, mali bang hika­yatin ang publiko na magtipid ng tubig sa panahon ng matinding tagtuyot?

Totoong hindi sapat ang paggamit ng balde upang malutas ang kakulangan sa tubig sa buong bansa. Malawak na problema ang El Niño na nanga­ngailangan ng konkretong programa ng pamahalaan, mula sa pamamahala ng mga dam at irigasyon hanggang sa pagtulong sa mga magsasaka at komunidad na apektado ng tagtuyot.

Gayunman, hindi rin maikakaila na mahalaga ang pakikilahok ng bawat mamamayan. Kahit gaano kaganda ang plano ng gobyerno, kung walang ko­operasyon ng publiko sa pagtitipid ng tubig at kur­yente, mananatiling limitado ang resulta ng anumang hakbang.

Sa halip na pagtalunan kung balde o shower­ ang dapat gamitin, mas mainam na ituon ang pansin­ sa kung paano makatutulong ang bawat isa. Ang krisis sa tubig ay hindi lamang problema ng Mala­cañang. Problema ito ng buong bansa.

Sa panahon ng kalamidad at krisis, hindi dapat manaig ang pulitika. Ang dapat manaig ay disiplina, malasakit, at pagkakaisa. Ang laban kontra tagtuyot ay hindi kayang panalunin ng Pangulo lamang, at hindi rin ng mamamayan lamang. Magtatagumpay­ lamang tayo kung kikilos ang pamahalaan at maki­kipagtulungan ang publiko. Sapagkat sa gitna ng luma­lalang epekto ng climate change, mas maha­laga ang sama-samang pagkilos kaysa sama-samang pagrereklamo.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with