^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Panawagan ni Remulla sa Korte Suprema

Pilipino Star Ngayon

KAHAPON (Oktubre 12), nanawagan si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa Supreme Court na balikan ang 2016 doctrine sa Macapagal-Arroyo v. People. Ayon sa kanya, nagpapahirap ito sa paghabol sa malalaking corruption syndicates.

Sa ilalim ng doctrine, kailangang matukoy ang “main plunderer” at mapatunayang personal na nakatanggap o nakinabang ang akusado sa kinulimbat na pera ng taumbayan.

Kapag dumaan ang pera sa dummies, middlemen, shell companies at iba’t ibang accounts, sino ang mapapanagot? Kapag maraming layer ang transaksiyon, mas mahirap tukuyin kung sino ang nasa likod ng buong scheme.

Ito rin ang konteksto ng flood-control scandal na yumanig sa bansa.

Ayon sa Ombudsman, mahigit P100 bilyon ang ibinayad sa mga proyektong hindi naitayo.

Nasa 39 kaso na ang naisampa laban sa 52 indibidwal, habang marami pa ang nasa preliminary investigation at lifestyle checks.

Dapat kayang makasabay ng batas at imbestigasyon sa ganitong uri ng corruption?

Hindi dapat maging proteksiyon sa mastermind ang simpleng paglalagay ng maraming tao sa pagitan niya at ng pera.

Kung may sapat na ebidensiya na nagpapakitang siya ang nag-utos, nagplano o nakinabang sa scheme, dapat kayang habulin ng sistema ang pananagutan hanggang sa pinakataas?

Pero may kabilang panig din ito.

Hindi dapat maging dahilan ang laki ng iskandalo o galit ng publiko para pababain ang standard ng ebidensiya.

Sinabi rin mismo ng Ombudsman na ang kanilang mga kaso ay dumaraan sa pagkuha ng contracts, audit reports at site inspections, pagbibigay ng pagkakataon sa respondents na sumagot, at pagsasampa lamang kapag sapat na ang ebidensiya.

Tama ang prinsipyo: huwag hayaang makaligtas ang utak dahil hindi niya mismo hinawakan ang pera.

Pero huwag ding gawing kapalit ng matibay na ebidensiya ang hinala, ingay o galit.

Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa tumutugon ang Supreme Court sa ­panawagan ni Remulla.

Sa malalaking corruption case, parehong kailangan ang dalawang bagay: mas mahusay na pagsunod sa money trail at mas mahigpit na paghawak sa ebidensiya. Dito masusundan ang mga bakas at tiyak na mapapatunayan ang mga nagkamal ng pera ng taumbayan.

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with