Tips sa single parent (ulirang magulang)
Ang pagiging solong magulang ay nakababahala, ngunit ito rin ay nakapag-papasaya dahil sa nagiging mas malapit kayo sa iyong anak. Sa kabilang banda, lahat ng desisyon at araw-araw na gawain, ay nasa sa iyo lamang, na kung hindi magagampanan ng maayos maaaring magdulot ng stress.
Kung ikaw ay solong magulang kinakailangan mong pangalagaan ang iyong sarili, sa pamamagitan ng mga gawaing ito:
1. Makisalamuha sa iba pang magulang na gaya mo. Pwede rin sumama sa mga kaibigan, kamag-anak na may mga anak, at mag-enjoy.
2. Sumali sa mga ilang gawain o aktibidad sa eskuwelahan gaya ng mga play groups na kasama ang ilan ding mga magulang.
3. Magkaroon ng oras sa bawat araw para sa iyong sarili na hindi kasama ang bata. Gawin ito kahit kalahating oras o 1 beses kada linggo ng kalahating araw. Kailangan mo ito para maisaayos ang isipan at mabawasan ang stress.
4. Sumali sa isang parent support group ng boluntaryo para makasalamuha ng iba.
5. Pag-usapan ang issue ng pamilya. May mga amo sa trabaho ay pinapayagan ang kanilang empleyado ng ilang oras para makayanan ang stress.
6. Ang pagtawa o pagiging masaya ay nakapagpapa-gaan ng dalahin at stress. Ito ay inirerekomenda para sa lahat sa pang araw-araw na buhay.
- Latest



















