^

PSN Opinyon

PBBM, may ‘political will’:Kaanak at kaibigan tinamaan

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Sa kanyang pang-limang State of the Nation Address (SONA) na idinaos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Hulyo 27, muling nanindigan si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kanyang tutuparin ang mga ipinangako nito sa sambayanang Pilipino na lipulin ang korap­syon at maipakulong ang mga opisyal na sangkot sa kontrobersyal na flood control projects.

Pinatunayan ni Marcos Jr. ang kanyang “political will”, taliwas ito sa mga birada ng mga kritiko na isa siyang “weak president”. Tamaan ang tamaan, walang kamag-anak, kapar­tido at kaibigan, ika nga.

Una nang nasampolan dito si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., na isa sa mga 12 senatorial bets ng Pa­ngulo ng nagdaang 2025 national elections, matapos na unang mapakulong dahil sa flood control mess.

Tinabla na rin ng Pangulo ang sarili niyang kaanak na si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez dahil sa multi-billion flood control scam.

Si Romualdez ang binansagang “partner in crime” ni dating AKO Bicol Partylist Rep. Zaldy Co dahil sa sinasabing pagsasabwatan upang magkamal ng P56 bilyon sa ill-gotten wealth sa pamamagitan ng pag-divert ng mga public funds at sa iba’t ibang maanomalyang transaksyon sa gobyerno.

Mismong ang Pangulo ang nag-anunsyo sa kanyang SONA sa harap ng mga dumalong mga kongresista, 13 senador, mga miyembro ng diplomatic corps at iba pang bisita na inihahanda na ng Office of the Ombudsman ang patung-patong na kaso laban sa kanyang pinsan na si Rep. Romualdez dahil sa flood control scandal.

Sa panig ni Romualdez, iginagalang niya ang anunsyo ng Pangulo bagama’t masakit ito para sa kanilang pamilya, pero iginiit na wala siyang nilabag sa batas.

Ayon sa Ombudsman, lima hanggang anim na kaso ang isasampa laban kay Romualdez at ipina-freeze na rin ang kanyang mga assets.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with