^

PSN Opinyon

Malnutrisyon sa mga kabataan dapat sugpuin

WIN SA EDUKASYON - Sen. Win Gatchalian - Pilipino Star Ngayon

Tuwing Buwan ng Hulyo, ipinagdiriwang ng buong bansa ang Nutrition Month. Ngayong taon, maituturing nating mas may bigat at lalim ang ating pagdiriwang dahil umakyat ang naitalang stunting rate sa ating bansa. Ito ang porsyento ng mga kabataang wala pang limang taong gulang na maliit para sa kanilang edad.

Gamit ang datos mula sa Department of Science and Technology’s Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), binigyang diin ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II) na noong nakaraang taon, 2025, umakyat ang stunting rate ng bansa sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng isang dekada.

Noong 2015, 33.4% ang naitalang stunting rate sa bansa. Patuloy itong bumaba hanggang sa maitala ang 23.6% na stunting rate noong 2023. Ngunit noong 2025, umakyat ito sa 25.3%, mas mataas ng 1.7% kung ihahambing sa huling stunting rate na naitala. Ibig sabihin, isa sa apat na batang wala pang limang taong gulang ang stunted.

Nagiging stunted ang isang bata kung hindi sapat ang natatanggap nitong nutrisyon sa unang 1,000 araw ng kan­yang buhay mula sa sinapupunan hanggang sa ikalawa niyang kaarawan. Napipinsala ng stunting ang kakayahan ng isang batang matuto kaya kung nais nating mawakasan ang krisis sa edukasyon, kailangang sugpuin din natin ang suliranin sa malnutrisyon, lalo na pagdating sa stunting.

Sa ilalim ng Early Childhood Care and Development Sys­­tem Act (Republic Act No. 12199), responsibilidad ng mga local government units ang magpatupad ng mga prog­ramang may kinalaman sa ECCD, kabilang iyong mga may kinalaman sa nutrisyon. Kaya naman mahalagang tiyakin natin ang kanilang pakikiisa upang masugpo ang malnutrisyon.

Naglaan din tayo ng P9.26 bilyon para sa Supplementary Feeding Program sa ilalim ng DSWD, at ng P25.6 bilyon para sa School-Based Feeding Program ng DepEd. Patuloy tayong makikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang itaguyod ang kalusugan ng ating mga kabataan.

NUTRITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with