^

PSN Opinyon

Barangay tanods, papasok na sa eskuwela!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PAPASOK na ang mga barangay tanod sa eskuwela!

Teka, teka! Lilinawin ko lang mga kosa ha?

Hindi papasok sa eskuwela ang mga barangay tanod para mag-aral mga kosa, kundi tutulong sila sa kapulisan upang panatilihin ang kaligtasan ng mga mag-aaral sa mga paaralan. Mismooooo!

Iniutos kasi ni NCrPO director Brig. Gen. Christopher Abrahano sa kanyang limang police districts na makipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) upang kunin ang serbisyo ng barangay tanods para sa seguridad ng mga kabataan sa loob ng eskuwelahan at maging sa kapaligiran nito. Dipugaaaaa! 

Itong inisyatiba ni Abrahano ay bilang tugon sa direktiba ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. na magtulungan ang pulisya at LGUs para siguraduhin ang segu­ridad ng mag-aaral laban sa anumang uri ng banta.  

Binigyang-diin ni Abrahano na nangangailangan ng sama-samang pagkilos ng pulisya, mga LGU, mga opisyal ng barangay, administrador ng paaralan, mga magulang, at ng buong komunidad ang pagpapanatili ng kaligtasan sa mga paaralan.

Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inatasan ni Abrahano ang limang police districts na makipagpulong na sa mga LGUs para matukoy ang panga­ngailangan ng mga barangay tanod sa pagsasanay at maka­paglatag ng angkop na mekanismo para sa pagtalaga sa kanila sa eskuwelahan.

Magiging sentro ng kanilang pagsasanay at orientation ay seguridad ng paaralan, pagkontrol at pagpasok at pagsubaybay sa mga bisita.

Kasama na dito ang pamamahala sa mga tao, pagtugon sa mga emergency, pag-uulat ng mga insidente, at wastong pakikipag-ugnayan sa mga pulis at awtoridad ng eskuwelahan. Get’s n’yo mga kosa?

“School safety raised the need for a coordinated effort. We will work closely with our LGU partners to ensure that barangay tanods who support school security are properly trained, adequately briefed, and guided by clear protocols. Their presence should strengthen security while protecting the rights and welfare of our learners,” ani Abrahano.

Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Mga kosa, pabor ba kayo sa balak ni Abrahano na kunin ang serbisyo ng barangay tanods para magbantay ng mga eskuwelanan! Abangan!

ESKWELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with