^

PSN Opinyon

Seaman to farmer....Think Green Hydroponics & Farming

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayong araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang inspiring na buhay ng isang da-ting seaman na ngayon ay full time farmer. Nagsimula siya sa pagtatanim ng lettuce sa 13 styro box.

Ang aking tinutukoy ay si Jose Nathaniel Marasigan, owner ng Think Green Hydroponics & Farming na makikita sa Payapa, Padre Garcia, Ba-
tangas.

Si  Nathaniel ay pitong taong seaman bago pinasok ang pagtatanim ang lettuce.

Aniya, nagsimula lamang siya sa lettuce farming noong nakalipas na taon sa pamamagitan ng pagtatanim sa mga styro box.

Sinabi ni Nathaniel, nasa barko pa lamang ay inisip na niya ang pagtatanim lettuce kapag nag-for good na siya. Aniya, nag-aral siya sa pagtatanim ng lettuce sa “Youtube University”  sa pamamagitan ng kratky method of farming.

Mabilis na tinangkilik ang mga produce na olmetie lettuce ni Nathaniel dahil magaganda ang mga ito, fresh na fresh, malutong, masarap at masustansiya.

Mula sa 13 styro box ay mayroon na ngayong tatlong green house si Nathaniel ang isa ay naglalaman ng 1,500 heads na lettuce na ang set up ay Nutrients Film Technique (NFT) method of farming na.

Sa tulong at ga-
bay ng Panginoon at social media ay lalo pang lumaganap ang produce na “fresh healthy and delicious” lettuce ni Nathaniel at nagkaroon na rin mga maraming kostumer sa kanilang lugar at mga reseller.

Sa ngayon ay pa-
tuloy pang pinalalago ni Nathaniel ang negosyong bigay sa kanya ng Panginoon katuwang ang kanyang pamilya.

Inihayag pa ni Na-
thaniel na marami ring pagsubok ang kanyang pinagdaanan pero hindi siya sumuko. Aniya, “Walang sukuan, walang pekpektong buhay, kailangan mo lang maging matibay”.

Madiskarte sa buhay si Nathaniel hindi siya dumidepende sa isang kita lamang. “Nagpapaalaga rin po ako ng baboy, baka at bantay din po ako sa aming pharmacy,” aniya pa.

Sa ngayon ay maganda na ang kinikita ni Nathaniel kapiling pa ang kanyang pamilya at hindi na kailangan na sumakay pa ng barko.

Sa mga gustong mag-reseller at bumili ng farm to table na produce na fresh at healthy lettuce in a cup ni Nathaniel ay mag-text lang po kayo sa 0977-015-31-33 o magpadala ng mensahe sa kanilang FB page na Think Green Hydroponics & Farming.

Ngayong Linggo, June 7, 2026 ay mapapanood ninyo ang aking interview kay Nathaniel at farm tour sa Think Green Hydroponics & Farming sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Noong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

 

FARMER

SEAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with