^

PSN Opinyon

Gen. Cardiño, nagpakitang gilas vs droga!!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

CONGRATS sa bagong hirang na PNP PIO na si Col. Allen Rae Co, ng PNPA Class ’97. Kay bilis talaga ng panahon! Hamakin n’yo mga kosa, si Co ay tinyente at aide noon ni ex-Gen. Rowland Albano ng makasama ko sa Eastern Police District. Sa ngayon, nakasalang na si Co para maging hene­ral. Good luck sa ‘iyo Boss Allen!

* * * * *

Nagpakitang gilas na naman si PRO NIR director Brig. Gen. Romano Cardiño. Kung noong una, naboldyak ni Cardiño ang P40 milyong halaga ng smuggled cigarettes, nitong huli naman ay P28 milyong presyo ng droga. May madyik ‘ata itong si Cardiño. O magaling talaga ang intel n’ya. Kung sabagay, batikang intel officer itong si Cardiño at sa katunayan maraming kaso itong nalutas noong kapa­nahunan ni ex-NCRPO chief Jonnel Estomo. Get’s n’yo mga kosa?

Mukhang hindi nagkamali si PNP chief Gen. Jose Me­lencio “Tateng” Nartatez Jr. sa paghirang kay Cardiño para pamunuan ang PRO-NIR. Mismooooo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Nagsagawa ng buy-bust operation ang City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City Police Office sa Purok Fatima, Islamic Center, Barangay 31 at na-Swak sa banga si Riza Igdang, alyas Bongi, 36. Hindi nakapiyok si Iqdang ng posasan s’ya ng operatiba ng CDEU matapos iabot ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang police poseur-buyer. Dipugaaaaa!

Nakumpiska kay Iqdang ang pitong heat-sealed trans­parent plastic sachets, P7,000 buy-bust money at lima pang knot-tied plastic bag na naglalaman ng putting crys­talline powder na suspetsadong shabu. Lahat-lahat, ang nakumpiskang shabu ay nasa 4.2 kilograms, ani Cardiño. Tsk tsk tsk! Buti na lang hindi “nanlaban” si Iqdang. Kung sabagay, hindi na uso ang patayan sa ngayon, di ba Interior Secretary Jonvic Remulla Sir? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon kay Cardiño, si Iqdang ay isang high-value target subalit hindi ito nakalista sa Barangay Anti-Drug Abuse Council. Purbidang yawaahhhhh! Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Iqdang na ang kanyang epektos ay galing pa sa Zamboanga. Tsk tsk tsk! Ang layo na nun ah? At ikinakalat n’ya ang droga sa kanyang mga suki sa Negros Island at kalapit na lugar nito.

Sinabi ni Cardiño na niligwak ni Iqdang ang ilang malalaking drug pusher na kumukuha ng stuff sa kanya at kumikilos na ang kanyang tauhan para itapon sila sa likod ng karsel. Nakupooooo! Ang sakit sa bangs nito!

Sinabi ni Lt. Col. Albert Sy, CDEU chief na si Iqdang ay na-apprised ng kanyang Constitutional Rights sa salitang Hiligaynon, na kanyang naintindihan. Ipinaliwanag din sa kanya na ang operations ng mga operatiba ni Sy ay armado ng dalawang body-worn cameras alinsunod sa polisiya ng PNP.

Ang mga nakumpiskang ebidensiya ay nai-turnover na sa PNP Provincial Forensic Unit para sa laboratory examination. Abangan!

CARDIñO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with