^

PSN Opinyon

‘Palamig’ sa Maynila may bacteria

WAG EPAL - Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Nakakaalarma at nakakatakot ang naging resulta ng pagsusuri ng University of the Philippines (UP) sa 12 “palamig” stalls sa Tondo, Maynila na natuklasang positibo sa “drug resistant bacteria” o mas kilala bilang “superbugs”.

Ang “superbugs” ay mga uri ng bacteria na nag-evolve upang hindi na tablan ng karaniwang antibiotic medicines. Delikado ito dahil mas mahirap gamutin ang impeksyon na posibleng mauwi sa pagkamatay. Naku po!

Lalo na ngayong matindi ang init ng araw, bumebenta talaga ang mga “palamig” saan mang sulok ng lansangan. Gusto lamang ng publiko na makaramdam ng ginhawa at maibsan ang kanilang uhaw kahit hindi na inaalam ang tubig o sangkap sa inumin.

Kaya naman agad na umaksiyon si Manila Health Department chief Dr. Grace Padilla at nagpatupad ng multi-point action plan kung saan muling iinspeksiyunin ng MHD ang 12 stalls at magpapakalat ng sanitary inspectors sa anim na distrito ng lungsod lalo na sa Tondo na “high risk area”.

Aba’y tama lang!. Ika nga ni Dr. Padilla high-priority public health concern ang findings.

Naging maagap ang MHD kaya may mandatory hygiene training sa mga vendor tulad ng tamang paghuhugas ng kamay, ligtas na food handling, at wastong paglilinis ng mga lalagyan.

Hindi lang dapat kita ang isinasaalang-alang ng mga vendor kundi maging ang kaligtasan ng mga customer. Hindi dapat samantalahin ng mga vendor ang init ng panahon upang magtinda ng “samalamig” gamit ang kontaminadong tubig.

Kaya naman pinag-iisipan na rin ng Manila LGU na mag­laan ng  libreng water potability testing para sa mga vendor.

Ang city health personnel na mismo ang kukuha ng water samples at ipoproseso ito sa Manila Water Analysis Laboratory. Tinitiyak ni Dr. Padilla na walang hokus pokus sa resulta.

Siyempre nga naman hindi na tatanungin ng customer­ o mamimili kung anong klaseng tubig ang gamit sa “palamig”. Baka umabot pa sa away.

Sana’y maging responsable ang mga vendor. Kasabay ng kita, kaligtasan din ng kanilang customer ang dapat nilang iprayoridad.

BACTERIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with