^

PSN Opinyon

Senate Coup: Last-minute depensa para kay Sara

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Mainit ang usapan tungkol sa panibagong tangkang lea­dership coup sa Senado ngayong Lunes, kasabay ng preparasyon ng House of Representatives para i-impeach si Vice President Sara Duterte sa pangalawang pagkakataon. Ayon sa mga source, lampas-lampas na ang kinakaila­ngang boto ng Kamara para ma-impeach si Sara, mula 130 hanggang 230.

Kaya naman doble-kayod ngayon ang pro-Duterte Senate minority sa desperadong paghahanap ng last-minute na de­pensa para kay Sara.

Alam nilang mahirap nang isalba si Sara sa legal na lusutan. Hindi na rin uubra ang pagdulog sa Supreme Court dahil ang impeachment process ngayon ay nakaangkla na sa revised rules ng Korte, bunga mismo ng petisyon ni Sara laban sa unang impeachment proceedings noong 2025.

Dagdag pa rito, nangako na si Senate President Tito Sotto na kikilos agad ang Senado “forthwith” kapag naipadala ang articles of impeachment.

Bilang na ang natitirang baraha ng Duterte karton network. Isa dito? Ikudeta si Senate President Sotto.

Kaya todo diumano ang hilahan ng suporta sa magka­bilang panig. Malinaw ang plano ng mga alyado ni Sara sa Senado. Kung hindi mapapatay ang impeachment sa lega­lidad, papatayin nila ito sa politikang maniobrahan. Magluluklok sila ng bagong liderato na walang balak na ituloy ang impeachment proceedings. Para mailigtas si Sara, handa nilang gawing comedy bar ang Senado at itulak ang bansa sa isang malalim na constitutional crisis.

Hindi ito nakakapagtaka sa Senate minority, lalo na’t ma­­rami sa mga miyembro nito ay nadidiin sa pagnanakaw sa kaban ng bayan at ayaw pumirma sa Blue Ribbon Committee partial report sa flood control corruption.

Habang sinusulat ko ito, kapos pa sa numero ang minority­ para patalsikin si Sotto, lalo na’t absent si Senator Bato dela Rosa, na tila mas abala na isalba ang sarili kaysa sa anak ng minamahal niyang tatay. Mahirap nga namang sumipot sa Senado. Baka mas mauna pa siyang maipadala sa The Hague bago pa man umusad ang Senate impeachment trial.

Kaya bantayan natin ang Senado. Huwag tayong pumayag dito. Ipaglaban natin ang natitirang dangal ng institusyon.

Nananawagan din tayo sa mga senador, lalo na yaong nasa mayorya na nililigawang bumaligtad. Nagbabantay ang taumbayan. Kapag umurong kayo sa inyong tungkulin, asahan ninyo ang bagyo ng galit at sumpa ng mamamayan.

TITO SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with