^

PSN Opinyon

‘Belmonte Standard sa Quezon City’

ON POINT - Dr. Paul Martinez - Pilipino Star Ngayon

Sa Quezon City, ang pamumuno ay hindi lang nasusukat sa dami ng proyekto kundi sa kung gaano ito nararamdaman ng tao. Sa loob ng maraming taon, hinubog ito ng da­lawang pangalan: ‘SB’ o Sonny Belmonte Jr. at Joy Belmonte.

Sa panahon ng dating House Speaker at Mayor Sonny Belmonte Jr., malinaw ang direksyon—urban development­ at infrastructure. Siya ang naglatag ng pundasyon ng lungsod: mga kalsada, gusali, at systems na nag-angat sa QC bilang isang premier urban hub. Ito ang yugto ng matibay na istraktura at long-term planning.

Pagpasok ni Mayor Joy Belmonte, agad naramdaman ang pagbabago. Mula sa infrastructure, lumipat ang focus sa tao—direct services, expanded welfare, at mas malapit na pamahalaan sa komunidad. Siya ay visible, present, at laging nasa ground—nakikinig, nakikipag-usap, at kumikilos.

At nagbunga ito. Dahil inuna niya ang serbisyo, nakuha niya ang ‘trust at confidence’ ng kanyang constituents. Ngayon, anumang initiative na kanyang ilatag, kusang sumu­suporta ang komunidad—hindi dahil sa pulitika, kundi dahil may napatunayan na.

Sa isang highly urbanized setting tulad ng NCR, hindi na isyu ang familial ties. Mas pinipili ng mga botante ang perfor­mance, efficiency, at accessibility. Dito, ang continuity ay tinatanggap kung may malinaw na resulta at maayos na pamamahala.

Nakaangkla ang modelong ito sa ?43.3 billion na budget para sa 2026, kung saan ?24 billion ay para sa social services—health, education, at welfare. Mayroon ding unmo­dified opinion mula sa COA, patunay ng transparency at fiscal discipline. Dahil sa kanyang performance, nakatanggap si Mayor Joy ng local at international recognitions, na nagpapatibay sa QC bilang no. 1 at richest city sa Pilipinas.

Sa huli, malinaw ang direksyon. Sa April 2026 RPMD survey, 83% ang bukas sa isa pang Belmonte na mamuno. Isang pangalan ang lumulutang: Atty. Kit Belmonte, isang dating Congressman. Sa QC, ‘leadership is no longer about names—it is about trust earned and sustained’. Kaya ang tanong ngayon: sino ang ie-endorso ni Mayor Joy Belmonte?

At marahil higit pa rito ang tanong ng ilan: sana tumakbo si Mayor Joy Belmonte sa pagka-Senador o maging cabinet secretary, dahil malinaw—kailangan ng bansa ang uri ng liderato na kanyang ipinapakita. Sa QC, napatunayan na niya na ang pamumuno ay hindi lang tungkol sa kapangyarihan—kundi sa serbisyong may malasakit at tunay na epekto sa tao.

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with