‘Subok o Sugal sa Nueva Ecija?’
NAGKASALUBONG at naghuntangan kami ng isang tropang peryodista hindi tsismis, kundi solidong galaw sa pulitika ng Nueva Ecija.
Sa kape pa lang, diretsahan na agad ang usapan, umiinit na ang laban para sa mababakanteng puwesto ni Aurelio “Oyie” Umali pagdating ng 2028.
Walang paligoy maraming gustong sumingit. Pero sa totoo lang, hindi pa rin basta-basta matitinag ang kampo ng Umali. Hindi ito hype. Base ito sa galaw sa lupa.
Anim na termino ba naman ang hawak hindi ka aabot doon kung puro pa-cute lang. Ibig sabihin, may ginagawa. At ramdam ‘yon ng tao.
Sa panahon ngayon, hindi na uubra ang puro drama at pa-impress. Hindi na tanga ang botante. Kita agad kung sino ang may laman at kung sino ang puro yabang. Iba ang estilo ni Oyie hindi maingay, hindi papansin, pero gumagalaw. Hindi nakikipagbardagulan sa mikropono, mas abala sa trabaho. At doon siya lamang.
Habang ang iba, maingay pero walang output alam na ng tao kung sino ang may tunay na ambag. Ngayon, eto ang mas interesting.
Tahimik si Oyie kung sino ang itutulak niya. Pero sa ilalim? May kumikilos na. Malinaw sa mga nakakaramdam ng pulso lumulutang ang pangalan ni Cherry Umali, ang asawa nito.
Hindi baguhan. Dating gobernador. Dating kongresista. Hindi placeholder, player!
At kung pag-uusapan ang continuity, hindi ito tungkol sa apelyido lang. Ito ‘yung diretsong pagpapatuloy ng nasimulan walang reset, tuloy ang andar.
Kung siya ang papasok, hindi ito eksperimento. Alam na niya ang laro, kilala na siya ng tao, at may track record na puwedeng balik-balikan.
Kaya ang tunay na tanong ngayon sa Nueva Ecija? Gusto ba ng tao ng panibagong trial-and-error, o doon sila sa subok na, yung alam na ang timpla? Malayo pa ang 2028, oo. Pero sa pulitika, ang maaga maglatag siya ang may kontrol sa dulo. At kung pagbabasehan ang galaw ngayon, mukhang hindi pa tapos ang laban ng mga Umali. Sa totoo lang, parang nagsisimula pa lang ulit.
- Latest
















