^

PSN Opinyon

Pag-usbong ng alternatibo kay Sara

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Habang papalapit ang halalan sa 2028, umiinit ang laban at hindi na ito mukhang “one-sided contest.” Batay sa mga pinakahuling survey, tila nagbabago ang ihip ng hangin.

Ayon sa OCTA Research, bagama’t nangunguna pa rin si Vice President Sara Duterte, kapansin-pansin ang unti-unting pagbaba ng kanyang mga numero. Samantala, umaangat ang ibang pangalan tulad ni Naga City Mayor Leni Robredo, na halos dumoble ang porsyento ng suporta sa kabila ng pahayag na hindi siya tatakbo. Ipinapakita nito na hindi na tiyak ang “sure win” para kay Sara.

Mahalaga ring tingnan ang public trust. Ayon sa Pulse Asia, bumaba ang trust rating ni Sara, habang may bahag­yang pagtaas kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. Lumalaki rin ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing hindi sila nag­titiwala sa bise presidente, lalo na sa gitna ng mga isyung may kinalaman sa korapsyon. Sa politika, ang tiwala ay puhunan; kapag nabasag, mahirap ibalik.

Maaaring lalo pang tumaas ang distrust kung mabubuksan ang kanyang mga bank record at mapagtitibay ang testimonya ng umano’y bagman na si Ramil Madriaga sa susunod na pagdinig ng House kaugnay ng impeachment.

Sa panahong ito, maraming botante ang tila “default” ang pagpili, kung sino ang kilala at lamang, siya ang pini­pili­. Ngunit ang ganitong suporta ay marupok. Sa sandaling may lumitaw na kapani-paniwalang alternatibo, mabilis itong nalulusaw.

Ito ang tinatawag na “reverse bandwagon effect.” Sa halip na sumunod sa nangunguna, nahahatak ang mga botante sa kandidatong may momentum. Malakas ang hatak ng “underdog.”

Kung magpapatuloy ang trend na ito, maaaring magbago ang naratibo ng 2028. Hindi na ito simpleng pagpapatuloy ng Duterte dynasty, kundi isang laban na may tunay na pagpipilian: direksyon, bisyon, at pagbabago.

Malinaw ang mensahe: kapag ang isang “malakas na kandidato” ay nagsimulang dumugo sa numero at tiwala, nagbubukas ito ng espasyo para sa alternatibo.

Hindi pa kritikal kung sino ang hahawak sa bandilang ito, si Leni man o sina Senators Risa Hontiveros at Bam Aquino. Ang mahalaga, nagiging tunay na competitive ang laban. At batay sa kanilang mga pahayag, lalo na ni Leni, hindi sila nakatali sa agarang ambisyon, taliwas kay Sara na atat sa kapangyarihan.

Paalala ito. Sa pulitika, walang siguradong panalo at walang permanenteng talo. Nagbabago ang ihip ng hangin, at kasama nito, ang mga posibilidad.

SURVEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with