^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pagnanasa

Pilipino Star Ngayon

Ngayong Marso ay Buwan ng Kababa­ihan. Ipinagdiriwang ito upang bigyang-pansin ang mga naiambag ng mga kababa­ihan sa iba’t ibang aspeto ng buhay at upang itaguyod ang kanilang mga karapatan at kapa­kanan. Napakaraming nagawa ng mga kababaihan sa lipunan kaya nararapat lamang na sila’y igalang at paha­lagahan. Hindi mata­tawaran ang mga nagawa ng kababaihan kaya dapat silang tratuhin ng may respeto at dignidad.

Pero kabaliktaran nito ang ginawa ni Quezon City 4th District Rep. Jesus “Bong” C. Suntay nang magsalita sa pagtalakay ng komite sa ikat­long impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte noong Martes. Gi­nawa niyang halimbawa ang TV host-actress na si Anne Curtis.

Maraming nagimbal sa malisyosong pahayag ni Suntay. Hindi ito inaasahan sa tulad niyang iginagalang na mambabatas. Bukod dun, isa rin siyang ama at may apat na anak—dalawang babae at dalawang lalaki.

Sabi ni Suntay: “Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ‘yun.”

Dahil sa hindi kanais-nais na mga sinabi ni Suntay, nagdesisyon ang House Committee on Justice na tanggalin sa record ng impeachment­ proceeding ang sinabi ng mambabatas. Sabi ni House Committee on Justice Vice Chair­person at San Juan City Rep. Ysabel Maria Zamora na dapat hindi ganito ang maririnig sa isang mam­babatas lalo pa’t kasisimula ng Buwan ng Kaba­baihan. Kasunod nito, nagmosyon si Zamora na tanggalin sa record ang mga sinabi ni Suntay na sinang-ayunan ni Manila Rep. Bienvenido Abante, Jr. “I want that deleted from the record!” sabi ni Abante.

Kahapon, pinayuhan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na humingi ng paumanhin ka­ugnay sa hindi magandang sinabi niya kay Anne Curtis. Ang ginawa umano ni Suntay ay pagsira sa ginagawang pagprotekta ng lungsod sa mga kababaihan. Kinikilala umano ng lungsod ang karapatan ng mga kababaihan. Ginagawa umano ng lungsod ang lahat para magkaroon ng magandang oportunidad ang mga kababaihan.

Pero nanindigan si Suntay na walang ilegal o imoral sa kanyang pahayag, “There is nothing­ sexual du’n sa sinabi ko, nothing immoral, it’s just, I said, may na-imagine ako, I think there is nothing wrong,” sabi niya.

Kung may na-imagine si Suntay kay Anne, sana sinarili na lang niya. Pero malinaw sa sinabi niya na “nag-init” talaga siya kay Anne. Hindi niya naitago ang pagnanasa.

KABABAIHAN

MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with