^

PSN Opinyon

Pananakit ng likod

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang sakit sa likod at balakang ay nararamdaman ng lahat ng tao. Kung sobra sa timbang, may scoliosis, o hindi nag-eehersisyo, mas maaga itong mararamdaman.

Ang kadalasang dahilan ng pagsakit sa likod ay muscle strain o sprain, o sakit ng kalamnan. Parang napilay ang likod.

Ang sanhi nito ay ang pagkapuwersa sa masel sa likod dahil sa: (1) maling posisyon sa pagtulog; (2) maling pag-upo (naka-kuba); (3) maling pagbuhat nang sobrang bigat; (4) sobra sa timbang; at (5) pagkaedad.

1. Kung sobra sa timbang, magpapayat. Hindi kaya ng likod ang bigat ng tiyan!

2. Mag-ehersisyo. Napakahalaga ng ehersisyo.

3. Palakasin ang masel sa likod. Mag-ehersisyo ng katam­taman lang. Puwedeng gumamit ng mga kaunting pabigat. Kapag lumakas ang masel ng katawan, hindi na sasakit ang likod.

4. Huwag magbuhat ng mabibigat. Kung mayroong bubuhatin, magpatulong sa kasama. Mag-squat at gamitin ang lakas ng hita para maiangat ang dinadala. Panatilihing deretso ang likod. Huwag yumuko para magbuhat.

5. Umupo nang deretso ang likod. Maglagay ng maliit na unan sa upuan para laging naka-straight ang likod.

6. Huwag maglakad o umupo nang matagal. Mapapagod ang likod kapag nakapirmi sa isang puwesto. Ang pina­ka­maganda sa likod ay ang paghiga sa kama.

7. Pumili ng katamtamang kutson na tulugan. Huwag ‘yung sobrang lambot na lumulundo ang likod. At huwag din matulog sa papag dahil sobrang tigas ito.

8. Matulog ng naka-“s” ang katawan. Humiga ng patihaya. Mag-unan para may suporta sa ulo at leeg. Maglagay pa ng isang unan sa ilalim ng tuhod para nakataas ito. Mas komportable sa likod ang nakabaluktot ang tuhod.

9. Kung nakatagilid matulog, maglagay ng unan sa pa­gitan ng hita. Ito ay para huwag bumaluktot masyado ang hita at mapuwersa ang likod.

10. Puwedeng lagyan ng medyo mainit na bagay sa likod (hot bag na binalot sa tuwalya). Gawin ito ng 15 minutes lamang at huwag sobrahan. Baka mapaso rin ang likod.

11. Puwedeng kumunsulta sa physical therapist. Sila ay nagtuturo ng stretching exercises at iba pang exercise para sa back pain.

12. Makatutulong ang masahe ng myotherapist or massage therapist. Pero soft massage lang o yung dahan-dahan lang para lumuwag ang masel. Kapag hindi nawala ang sakit sa loob ng 1 linggo, magpakonsulta sa isang rehabilitation medicine doctor, or orthopedic surgeon o rheumatologist.

BALAKANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with