Hitik na hitik ang bunga pagtatanim ng Baguio Beans
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang simple at madaling pagtatanim at pagkakaroon ng hitik na hitik sa bunga ng baguio beans.
Ang ise-share ko sa inyo ay base sa aking personal na karanasan sa aking mga tanim na baguio beans sa timba sa gilid ng aming bahay.
Ang baguio bean ay itinatanim mula sa seeds o buto.
Kapag bihasa ka na ay puwedeng direct plating sa buhaghag na lupa pero kung beginners ka lamang, mas magandang ipunla na muna ninyo sa mga seedling tray.
Kapag limang dahon na ay ilipat na sa permanenteng pagtatamnan na may anim hanggang walong oras sa maghapon dapat ay naaarawan ito.
Sa pagtatanim at pagpupunla ay ibaon lang ng 1-inch sa lupa ang buto nito at makalipas lang ng pitong araw ay tutubo na ito.
Maglagay na ng organic at natural na pataba sa baguio beans habang itinatanim.
Mas magandang gamitin ay vermicast, o kaya naman ay chicken manure, cow manure, carabao manure or compost.
Habang lumalaki ang baguio beans ay gambulin o ga-win ang tilling the soil sa paligid nito para manatiling buhaghag ang lupa at makagala ang mga ugat nito, at makakuha ng nutrients ayon sa kanyang pangangailangan sa paglaki.
Isang beses isang linggo ay maglagay ng natural na pataba para mapanatili ang lusog at ganda ng baguio beans.
Sa pagpapabunga ng baguio beans ay kailangan itong diligan at ispreyan ng foliar fertilizer tulad ng Fermented Fruit Juice (FFJ) at binabad na balat ng saging.
Para walang lumapit na insekto na posibleng manira sa baguio beans, tulad ng uod, white flies at iba pa ay palagian ding mag-spray ng Oriental Herbal Nutrients (OHN) isang beses sa isang linggo.
Ayaw ng baguio beans ang sobrang basa ang lupa.
Lagyan lang ito ng gapangan o trellis para yumabong ang mga sanga.
Sa loob ng 75-days o dalawang buwan at kalahati ay makakaani ka na ng bunga ng baguio beans.
Kapag nagsimula nang umani, every 3-days ay may mapipitas kang bunga hangga’t buhay ang halaman.
Ganon lang po ka-simple ang aking ginagawa sa aking mga tanim na baguio beans kaya naman magaganda sila at hitik na hitik kung magbunga.
Ang baguio beans ay puwedeng itanim sa malaking paso at timba. Pero kung may space ka naman na pagtatamnan ay mas magandang itinamim ng direkta sa lupa.
Makakabili kayo ng certified seeds ng baguio beans at iba pang green leafy vegetables sa SM Supermarket, Shopwise, Ace Hardware at mga plant nursery.
Ang aking ginagamit ay Farm Fresh Seeds, Ramgo Seeds at East West Seeds.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.
Noong July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promi-sing Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.
Habang nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achie-vers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.
- Latest

















