^

PSN Opinyon

One big feast, one big heart

KasamBuhay - Jing Castañeda - Pilipino Star Ngayon
One big feast, one big heart
Ang 2025 Ateneo Grand Alumni Homecoming Committee Members ng Ateneo High School Class of 2000.

May natatanging nostalgia na hatid sa atin ang mga alumni homecoming. Baka dahil sa tugtog at mga kanta --- ’yung mga kantang sumikat noong panahon natin, na walang palyang nagpapaalala kung gaano na katagal nang lumipas ang nakaraan.  O baka dahil sa mga kantiyawan --  tungkol sa mga lumapad na waistline, mga hairline na tumataas, o di kaya’y wrinkles na dumarami.  

Bagama’t hindi ako kasama sa Batch 2000 na siyang lead batch ng homecoming ngayong taon, lagi kang mapapabalik-tanaw sa iyong sariling mga alala sa iyong eskuwelahan kahit sino pa man ang nag-organisa ng pagtitipon. 

Katunayan, isa sa mga paborito kong kuwento ay nagsimula sa isang homecoming dinner ilang taon na ang nakalipas.  Sa homecoming kami nagkitang muli ng aking mister na si Nonong na noon ay aking kaibigan lamang mula sa Ateneo Student Council. At gaya ng sabi nila, the rest is history.

Isang sulyap sa The Church of the Gesu, Ateneo de Manila University.
Bro. Jeffrey Pioquinto, SJ

Marami na ring nagbago sa Ateneo campus kumpara noong panahon namin.  Nadagdag na ang napakagandang Church of the Gesu.  Ganoon din ang kakakabit lang na airconditining units sa Blue Eagle Gym. 

Pero sa kabila ng napakaraming mga pagbabago, nananatili ang Ateneo sa misyon nitong hubugin ang isip, puso at karakter ng mga estudyante nito.   Ipinapaalala ng rebulto ni San Ignacio na nakaluhod at nakatingalang inihahandog ang kanyang espada sa Panginoon na mahalagang sikapin nating mapabuti ang buhay ng iba, lalo na ang mga nasa laylayan.  Habang tumatanda tayo -- at sana’y tumatalino rin -- lalo nating nauunawaan ang bigat at kahulugan ng mga simbolong ito: misyon, paglilingkod, layunin.

Kaya sabi nga ng lead organizers, ang Ateneo High School Class of 2000, higit pa sa saya, tugtugan, at tawanan, tungkol din sa pagbabalik-biyaya ang One Big Feast, Grand Alumni Homecoming ngayong taon.

Sa darating na Disyembre 6, magsisimula ang programa sa Honoring of Teachers, kasunod ang Eucharistic Celebration sa Church of the Gesu.

Ang 2025 Ateneo Grand Alumni Homecoming Committee Members ng Ateneo High School Class of 2000.

Bahagi ng kikitain ng kanilang fundraiser ay ilalaan sa Teachers’ Retirement Fund, bilang pagpaparangal sa mga gurong humubog sa maraming henerasyon ng Atenista, sa kanilang talino, tiyaga, at walang sawang dedikasyon. 

Suportado rin ng event ang AAA Order of the Blue Eagles Scholars at ang Ateneo Track and Field Team.

Sa isang banda, perpektong pagsasama ito ng nakaraan, kasalukuyan, at kinabukasan. Bumabalik tayo para alalahanin ang masasayang araw para muling maki-konekta at para maalala ang saya ng kabataan.  Pero bumabalik din tayo para tiyaking mararanasan din ito ng mga susunod na Atenista..

Mga miyembro ng Ateneo High School Class of 2000 sa kanilang art exhibit-auction, Origins Beyond Form.

Sa huli, paalala ng homecomings na kahit gaano tayo ka-busy, at kahit gaano kalayo ang ating narating “down from the hill,” may paraan at may dahilan pa rin tayong bumalik.

Bumabalik tayo sa isa’t isa. Bumabalik tayo sa mga lugar na humubog sa atin. Bumabalik tayo sa mga adhikaing nagpapaalala kung ano ang tunay na ibig sabihin ng pagiging “Blue Eagle for life.”

------

Sundan ang aking social media accounts @JingCastaneda on  Instagram, Facebook, YouTube, Tiktok at Twitter/X.  Ibahagi ang iyong mga kuwento at suhestiyon sa [email protected]. 

REUNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with