^

PSN Opinyon

Modern Agriculture... Katanim Rooftop Greenhouse

ANG MAGSASAKANG REPORTER - Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa sa walang sawang nagsusulong ng makabagong teknolohiya sa larangan ng agrikultura sa ating bansa.

Ang akin tinutukoy na tila walang kapaguran para maipalaganap ang modern agriculture sa Pilipinas ay si Marvin Baeza na siyang founder ng KATANIM.

Personal kong binisita si Marvin sa kanyang Katanim Rooftop Greenhouse sa Modesta Village, San Mateo Rizal.

Namangha ako sa ganda ng kanyang mga tanim at very organized ang kanyang rooftop greenhouse.

Sa pagbisita ko sa Katanim Rooftop Greenhouse ay saktong ready to harvest na ang mga tanim na sweet pepper na may iba’t ibang variety: may pula, dilaw, purpple, green at iba pa.

Pagpitas ko ng bu-nga ng ilang tanim na sweet pepper ni Marvin ay kinain ko.

Napa-wow ako dahil napakasarap, ma-tamis, malutong, juicy at talagang naman uulit kapa dahil napakakatas ng mga ‘yun at tiyak ang lahat ng taglay na sustansiya ay makukuha ng ating katawan.

The best din ang mga tanim niya na iba’t ibang variety ng lettuce sa kanyang greenhouse at ang kanyang unlimited na supply ng kangkong, sweet basil at iba pa.

Si Marvin o kilala sa tawag na KATANIM, ipino-promote and hydroponics at sustainable farming sa Philipinas gamit ang Kiss Plus, KFF at Katanim Plant Wash.

“We empower communities to grow crops year-round for food security and livelihoods. Love love, love,” ani Marvin.

Ang aking misyon ay turuan ang lahat ng gustong matuto na magtanim ng kanilang sariling pagkain.

“Growing a sustainable future, Bringing smiles, Science and Sustainability together, because learning modern agriculture should always be fun,” pahayag pa ni Marvin.

Hinihikayat ni Marvin ang lahat ng Filipino sa samahan siya sa kanyang adbokasiya.

“Join us, as we grow, laugh and share the Katanim way of smart farming,” aniya.

Ako at si Marvin ay may “something in common” marami sa kanyang ginagawa ay ginagawa ko rin bilang tagapagpalaganap ng pagbabalik ng organikong pagsasaka sa ating bansa, dati rin siyang commercial photograper na miyembro ng kasal, binyag, libing (KBL).

Iisa ang layunin namin ni Marvin. Ibahagi sa lahat ang hiram na talento mula sa Panginoon.

Sa mga gustong magpa-guide kay Marvin, gustong bumili ng kanyang mga produkto, tulad ng Kiss Plus at iba pa ay mag-send lang po kayo ng mensahe sa kanyang facebook profile na Marvin Baeza.

Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo ang tungkol sa kanya sa kolum ko.

Ngayong Linggo, November 16, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Marvin sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

AGRIKULTURA

TEKNOLOHIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with