^

PSN Opinyon

EDITORYAL - De-kalidad na edukasyon ang nararapat isulong

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - De-kalidad na edukasyon ang nararapat isulong

SA State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Hulyo 28, isa sa mga nabanggit niya ang may kinalaman sa edukasyon ng mga Pilipino. Ipinangako niya na sa bawat pamilya ay dapat may nakatapos sa kolehiyo mula sa technical-vocational school. Ayon sa Presidente ang pagkakaroon ng natapos ay garantiya na magkakaroon ng magandang kinabukasan ang mga manggagawang Pilipino.

Tama naman ang sinabi ng Presidente na ang pagkakaroon nang may kalidad na edukasyon ang magda­dala sa bawat Pilipino nang magandang bukas.

Sa podcast ng Presidente, sinabi rin niya na sa pa­mamagitan ng edukasyon, masusukat ang tagumpay ng kanyang administrasyon. Kung hindi aniya magka­karoon ng de-kalidad na edukasyon at training ng mga Pilipino ay walang kahihinatnan ang bansa.

Ang pagkakaroon nang may kalidad na edukasyon ang nararapat na pagtuunan ng pansin ng pamahalaan. Sa kasalukuyan, hindi makaabante ang mga estudyan­teng Pilipino sa iba pang dayuhang estudyante. Ku­lelat ang mga Pinoy students sa larangan ng Science­, Math at Reading Comprehension. Nakita ito sa gina­wang 2022 Programme for International Student Assessment (PISA).

Sa ginawang pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang 18.96 milyon na senior at junior high school students na nagtapos noong 2024 ang hindi marunong bumasa at makaumawa ng simpleng istorya. Isiniwalat ito ng PSA sa hearing na isi­nagawa ng Senado noong nakaraang Mayo.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, head ng Se­nate committee on basic education, nakaaalarma ang ganitong sitwasyon. Aniya, ang kahirapan at kaka­­pusan ng karunungan ay magkaugnay at kapag may Pilipino na hindi marunong sumulat, bumasa at mag-compute, mananatili ang karukhaan sa bansa.

Tama lamang na pagtuunan ng pamahalaan ang pagpapabuti at pagpapataas sa kalidad ng edukasyon. Dito nararapat ibuhos ang pondo at hindi sa mga walang kapararakang bagay na pinagmumulan ng korapsiyon.

Nangako si Marcos na ang mga nalalabing termino niya at ituuon sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon, ito ang nararapat. Walang matatalo rito. Kailangang magkaroon ng pagbabago sa edukasyon. Simulan na ito.

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with