^

PSN Opinyon

Kapayapaan at katahimikan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG insidente ang naganap sa loob ng public utility bus sa EDSA kung saan sinubukang kagatin ng lalaking PWD ang isang bata. Tila distressed sa malalakas na ingay ang lalaki. Mukhang nabalisa ang lalaki sa paglalaro ng bata ng video games habang nasa bus.

Nang subukang makialam ng konduktor ng bus, siya naman ang kinagat. Kaya hinikayat ng Metrolink Bus Company ang Department of Transportation (DOTr) na pagbawalan ang malakas na ingay habang nasa loob ng sasakyan.

Sang-ayon ako sa katahimikan habang nagko-commute. Pero sa tingin ko ang pinakamahirap na gawin, kung sakaling ipatutupad ng DOTr ng walang ingay na pag-commute ay ang implementasyon.

Kung hindi man lang nila maipatupad ang mga basic traffic regulations, gaya ng double-yellow line, one-way roads, no loading and unloading, at yellow box, duda ako kung maglalagay sila ng marshals sa loob ng public utility vehicles para ma-monitor ang ingay. Ngunit ito ay isang bagay na dapat­ isaalang-alang. Ginto ang katahimikan.

Sa Japan, ang katahimikan ay batas sa loob ng mga tren. Kaya malalaman mo kaagad kung sino ang mga dayuhan sa pamamagitan ng pagdinig kung gaano sila kalakas mag­salita sa loob ng tren. Kung maaari nating gayahin ang kahit 10 percent ng kultura ng Hapon tungkol sa kaayusan, naniniwala ako na ang bansa ay patungo sa kaunlaran.

Bukod sa ingay sa loob ng mga pampublikong sasakyan, ang mga sasakyan mismo ay dapat ding sumailalim sa inspeksiyon ng ingay. Nakatira ako sa isang lugar na kilala bilang pangunahing ruta ng mga public utility jeepney. Kaya nakakarinig ako ng mga maingay na muffler na kayang gumising ng patay.

Alam kong mayroong mga ordinansa tungkol sa polusyon sa ingay, ngunit muli, ang problema ay pagpapatupad. Ni hindi ko alam kung ang maingay na muffler ay nagdaragdag sa kahusayan ng isang makina, o kung ito ay para lamang magpakitang gilas, magyabang o magpapansin lamang.

Ang polusyon sa ingay ay isang bagay na dapat seryo­song tugunan ng gobyerno. Mula sa maingay na mga pam­publikong sasakyan hanggang sa pampublikong karaoke sa madaling araw.

Ang PWD na nangagat dahil hindi kaya ang ingay ay isang kaso lamang. Marahil ay hindi siya dapat bumiyahe mag-isa para maiwasan ang parehong insidente. Ang tao ay kailangang magpahinga pagkatapos ng isang araw na trabaho.

Kung kailangang mag-ingay, gawin sa loob ng bahay, kung saan hindi nila iniistorbo ang sinuman. Ito ang dahilan kung bakit ang “kapayapaan at katahimikan” ay isang pariralang palaging sinasabi sa isang pangungusap.

EDSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with