^

PSN Opinyon

Mga pagkain na may benepisyo sa kalusugan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

1. Isda – May taglay na omega-3 fatty acids ang isda na makatutulong sa puso at utak. Ang mga taong umaabot sa edad 100 ay mahilig kumain ng isda, mani, beans at gulay. Mas masustansiya ang protina ng isda kumpara sa baboy at baka.

 2. Gulay at prutas – Masustansiya ang lahat ng gulay tulad­ ng pechay, kangkong, ampalaya, malunggay at marami pang iba. Mabuti ito sa tiyan, bituka at sa buong katawan. May taglay itong fiber, bitamina at minerals. Masustansiya rin ang mga prutas tulad ng saging, mansanas, pakwan at iba pa. Huwag lang daramihan ang pagkain ng prutas dahil may asukal din ito na puwedeng makataba kung sosobra ang kakainin.

3. Mani, beans at tokwa – May taglay na protina ang mani at beans. Napakaganda nito sa katawan. Ang protina mula sa mani at beans ay mas masustansya kumpara sa protina mula sa baboy at baka. Kung hindi naman napatunayan na mataas ang uric acid ninyo sa dugo ay puwede kayong kumain ng mani at beans.

Mga pagkain na puwedeng kainin ng katamtaman:

1. Kanin, tinapay, pansit at spaghetti – Puwedeng kumain nito pero huwag dadamihan.

2. Manok  – Mas masustansya ang nilagang manok kum­para sa nilagang baboy o baka. May benepisyo sa may sakit ng trangkaso, sipon at lagnat.

Mga pagkain na dapat iwasan o limitahan:

1. Baka at baboy – Napatunayan na nang maraming pagsusuri na masama ang taba ng baboy at baka. Puwede itong magdulot ng atake sa puso, istrok at kanser.

2. Processed meat tulad ng hotdog, bacon, ham at salami – Bukod sa lamang baboy at baka, hindi maganda ang mga preservatives na ginagamit sa mga pagkaing ito.

3. Lamanloob – Mataas sa kolesterol at posibleng hindi malinis ang mga pagkaing ito. Ang bituka ng hayop ay daanan ng dumi kaya nararapat sanang iwasan.

KALUSUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with