^

PSN Opinyon

Daming pasugalan sa Pangasinan!

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

NAGKALAT ang mga illegal na pasugalan sa Pangasinan. Nabulag at nabingi na kaya sa tinatanggap na payola ang Pangasinan police kaya hindi na ginagalaw ang mga pasugalan.

Ano sa palagay mo Col. Rollyfer Capoquian?

Namamayagpag ang sugalan ni Roland Ibasan sa San Jacinto, Calasiao, Manaoag, Malasiqui.

Ang kanyang utol na si Rene Ibasan ang namamayag­pag naman sa Binmaley. Malapit ang sugalan sa Binmaley public market.

Isang nagngangalang Alvin Magat naman ang hari ng sugalan sa San Carlos City. Dahil siya ang hari, hindi nati­tinag ang kanyang operasyon, bata at matanda ang mga nalululong sa iligal niyang gawain.

Hindi rin magalaw ng pulisya ang pasugalan ni Engr. Flores sa Mangaldan.

Sa Urdaneta, namamayagpag ang sugalan ni Ronald Oldac.

Itinuturong influence-peddlers sina Alyas Pidlaoan, Alyas Castro at Alyas De Vera na pawang nakadikit umano kay Capoquian.

Siguradong may basbas ng mga mayor, vice mayor at mga kagawad ng Sangguniang Panglungsod o Sangguniang Bayan ang mga pasugalan sa Pangasinan.

Hindi magtatagal ang operasyon ng magkapatid na Roland at Rene Ibasan, Alvin Magat, Engr. Flores at Ronald Oldac kung walang pahintulot ng mga nasa itaas.

Nalalaman kaya ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III ang mga sugalang lumalaganap sa kanyang probinsiya? 

* * *

Para sa reaksiyon, i-send sa: art.dumlao@gmail.com

POGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->