Tips para iwas bad breath
Magsipilyo ng tatlong beses sa maghapon. Alamin ang tamang paraan ng pag-sipilyo. Kailangan ay matagal i-brush pataas at pababa ang ngipin. Isama rin ang dila sa pag-brush. Magbaon ng sipilyo sa trabaho o paaralan para makapagsipilyo pagkatapos kumain.
l Gumamit ng dental floss para matanggal ang mga tinga sa pagitan ng mga ngipin. Ang tongue cleaner naman ay ginagamit para sa dila. Makatatanggal ito ng mabahong hininga.
l Uminom ng 8-10 basong tubig sa maghapon dahil kapag nanunuyo ang bibig ay matutuyuan ng laway. Ang laway ang nagtatanggal ng mga dumi sa bibig. Ang mga dumi sa bibig na nabubulok ang dahilan ng mabahong amoy.
l Magpatingin sa dentista kada anim na buwan para tingnan ang mga gilagid at sirang ngipin. At para tanggalin ang nag-iipon na plaque sa ngipin na dahilan ng sakit sa gilagid na maaring umabot sa buto.
l Bawasan ang pagkain ng tuyo, daing, bawang, sibuyas at mga pagkain na matapang ang amoy. Mawawala lang ang amoy kapag nawala na sa katawan ang kinain.
l Huwag manigarilyo.
- Latest