^

PSN Opinyon

U.S. sandigan pa ba ng demokrasya?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Noong 1949, itinatag ng United States, Canada at ilang kanluraning bansa ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) na naglalayong pigilin ang mga digmaang pandaigdig.

Kinilala at nirespeto ng ibang bansa ang U.S. bilang taga­pagtanggol ng kalayaan at demokrasya. Malaking bahagi ng pananalapi nito ay inilalaan bilang ayuda sa mga maliliit na bansa gaya ng Pilipinas upang palakasin ang larangan ng depensa.

Nagpapadala pa ng mga sundalo ang U.S. upang tumulong sa mga kawal ng maliliit na bansa sa panahon ng digmaan. Kaya nga ang Pilipinas ay may Mutual Defense Treaty sa U.S.

Pero sa bagong pamamahala ni Presidente Donald Trump ipinasya niyang magtipid at ang unang binawasan ay ang tina­talakay kong ayuda sa ibang bansa. Kung tutulong man ang U.S. sa iba, dapat may kapalit.

Transactional President si Trump. Nais niya na kung mag­bibigay ito ng ayuda ay may kapalit ding benepisyo sa kapa­­kinabangan ng U.S. Napabalita na ang Russia na dating­ kaaway na mortal ng U.S. ay nag-alok nang malaking supply ng aluminum sa U.S. Ang Rusya, sa pamamahala ng diktador na si Vladimir Putin ay kasalukuyang sinasa­lakay at sinasakop ang Ukraine. Kaya napapatanong ang ilan:

Ang magandang offer ba ni Putin kay Trump ang dahilan kung bakit “binastos” ang Presidente ng Ukraine na si Vo­lo­dymir Zelenskyy nang ito’y magtungo sa Oval Office upang humingi ng saklolo kay Trump. Iyan ang naging pangit na impression ng mundo kay Trump.

Malaki ang impact ng pangyayaring ito sa mundo. Ang polisiya ng U.S. ay magbibingit sa nasabing bansa na ku­malas sa NATO na U.S. din naman ang nagtatag. Kung mangyayari iyan, nanganganib ang daigdig sa isang global war. Inamin mismo ng NATO na hindi nito magagam­panan ang layunin nito kung wala ang U.S.

UNITED STATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->