^

PSN Opinyon

Halaga ng bahurang winawasak, isdang ninanakaw ng China

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng 2024 mahigit 14 China Maritime Militia trawlers ang naghalinhinan wasakin ang Rozul (Iroquois) Reef at Escoda (Sabina) Shoal sa Recto (Reed) Bank. Mahigit 12,000 ektar­yang corals ang tinibag, ngitngit ni Climate Change Commissioner Albert Dela Cruz.

Noon pang 2019 inulat ni UP Marine Science Institute Prof. Deo Florence Onda, PhD, ang 550 ektaryang bahura sa Bajo de Masinloc at 1,300 ektarya sa Kalayaan (Spratlys).

Itlugan at tirahan ng isda ang bahura, sanhi ng buha­ngin, at ang nagagamit sa bagong gamot. Saliksik ng Dutch analy­tics company Elsevier na ang halaga ng bawat coral reef eco­system ay $353,429, o P18 milyon kada ektarya kada taon.

Sa pagwasak ng China sa Rozul at Escoda, nawalan ang Pilipinas ng P216 bilyon kada taon. Sa pagsira sa Bajo de Masinloc at Kalayaan, dagdag pang P33.1 bilyon ang nawala kada taon.

PCG photo

Sa paglalaspag ng West Philippine Sea, 5 percent ng ko­mer­siyal na huli ang bumabagsak kada taon. Nagsimula ito nu’ng 2012 nang agawin ng China ang Bajo de Masinloc.

Nung 2024, 60 hanggang 80 percent na ang ibinaba ng huli, ani UP Institute of Biology Prof. Jonathan Anticamara, PhD. Nauna ron, 2019, inulat ni environment lawyer Asis Perez na 7.2 milyon kilo ang isdang ninanakaw ng China kada buwan.

Maski kalahati lang ng presyo nu’n ang kwentahin, ani Perez, P720 milyon ang nawawala sa Pilipinas kada buwan, o P8.64 bilyon kada taon.

Naghirap ang 350,000 komersiyal na mangingisda sa West Philippine Sea.

Nabawasan pa ang lamang dagat na pangunahing sanhi ng protein at iodine ng Pilipino.

Pilit pinagtatakpan lahat ng ito ng mga lokal na propagan­dista ng Communist China.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with