^

PSN Opinyon

Asthma (Part 1)

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang asthma o hika ay ang pamamaga at pagiging sensi­tibo ng mga maliliit na daanan ng hangin sa baga. Kapag uma­atake ang hika, dumarami ang plema sa baga at kumikipot ang daanan ng hangin kaya naghahabol ng hininga ang pa­syente.

Walang permanenteng gamutan sa hika. Ngunit kung ba­baguhin ang pamumuhay, puwedeng mabawasan ang atake ng hika ng 50 percent.

Narito ang mga dapat gawin:

1. May allergy ba sa paligid? Mga 80 percent ng taong may hika ay may allergy din. Pag-isipan kung ano ang ginawa bago umatake ang hika. Napagod ba, nainitan, o nakasinghot ng mabahong bagay? Isulat ito sa isang diary. Umiwas sa mga bagay na nagpapaatake ng hika mo.

2. May allergy ba sa pagkain? Hindi kasing dalas ang allergy sa pagkain pero nangyayari rin ito. Mag-ingat sa mga food pre­servatives, food coloring, sitsirya, alak, mani, seafoods, itlog, manok, at iba pa. Hanapin kung saang pagkain may allergy at umiwas dito.

3. Mag-ingat sa mga gamot. May taong may allergy sa mga gamot tulad ng aspirin, penicillin at gamot sa kirot. Paracetamol lang ang ligtas para sa may hika. Kumunsulta sa doktor bago uminom ng gamot.

4. Umiwas sa pollen. Pagdating ng tag-init, naglalabasan ang maraming pollen galing sa mga puno at damuhan. Mag-face mask. Mas maraming pollen sa umaga.

5. Kapag taglamig na, minsan ay nagkaka-amag at fungus ang banyo dahil lagi itong basa. Tuyuin ang banyo pagka­tapos maligo.

6. Kung may vacuum cleaner, gamitin ito para higupin ang mga dumi sa bahay. Kung puwede, alisin ang mga carpet at rugs dahil napakabilis nito kapitan ng alikabok.

7. Umiwas sa alagang hayop. Paliguan ang alagang aso bawat linggo. Nakakahika ang maliliit na balahibo ng mga ito.

(Itutuloy)

vuukle comment

ASTHMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with