^

PSN Opinyon

Dalawang ‘p’ para magwagi

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MAYROONG dalawang “p” na kailangang taglayin ng kandidato para manalo sa eleksyon: pera at popularidad. Para sa mga mararahas na pulitiko, mula noong araw hanggang ngayon, ang pinaaandar ay ang tatlong “g” na dati na nating alam: guns, goons and golds.

Kapansin-pansin na mas maraming showbiz people ang naghain ng kanilang sertipiko sa pagkandidato, nangu­nguna na si Nora Aunor na tatakbo sa pagka-party-list representative sa Kamara de Representante at gaya ni Willie Revillame sa pagka-senador at iba pa na hindi ko na pangangalanan sa kakulangan ng espasyo. Popularity ang puhunan nila.

Sasabak din sa senatorial race ang retiradong pulitiko at bilyonaryong negosyanteng si Luis Chavit Singson na ang capital ay salapi at ang kanyang malawak na karanasan sa pulitika. May malakas na ugong ang pangalang Chavit kaya malaki ang tsansang magwagi.

Hindi ko sinasabing walang abilidad ang mga popular­ na tao ngunit papaano na ang mga magagaling talaga pero hindi ibinoto ng taumbayan dahil walang ugong ang pa­ngalan? Matagal nang problema sa bansa iyan pero isang makapit na kulturang napakahirap bakbakin sa kaisipan ng mga Pilipino.

Sa ngayong sumulpot pa ang social media at maraming bloggers ang sumikat kahit walang karapatang pumalaot sa pulitika, marami sa mga personalidad na ito ang sasabak din porke milyones ang kanilang mga followers at subscribers na pinaniniwalaan nilang boboto sa kanila.

Sana ay maging matalino tayo para makilatis nang tama ang mga taong ihahalal dahil sa kanila natin ipagkakatiwala ang kinabukasan ng bansa.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with