^

PSN Opinyon

Lola, nilingkis nang malaking sawa, himalang nakaligtas!

MGA KWENTONG WEIRD - Ronniel Niko B. Halos - Pilipino Star Ngayon

Isang 64-anyos na lola sa Samut Prakan, Thailand ang nakaligtas matapos lingkisin ng isang malaking sawa na may habang 13 talampakan!

Kakauwi lang ni Arrom Arunroj mula sa kanyang trabaho bilang helper sa isang children’s hospital sa Bangkok nang maisipan niyang maglinis ng kusina. Habang naghuhugas­ ng pinggan, nakaramdam siya na may mahapdi sa kanyang­ kanang hita.

Ang akala niya ay kagat lamang ito ng insekto ngunit nang tiningnan niya ito, isang malaking ahas ang uma­akyat sa kanyang binti. Sinubukan niyang alisin ang ahas sa pamamagitan ng paghawak sa ulo nito ngunit masyado itong malakas.

Kalaunan ay naitumba siya ng sawa sa sahig hanggang sa umabot ito sa kanyang tiyan at nilingkis na siya nito. Isang taon nang walang kasama sa bahay si Arrom matapos mamatay ng kanyang mister habang ang kanyang mga anak naman ay may sarili ng pamilya at nakatira sa malayo.

Sinubukang humingi ng saklolo ni Arrom ngunit ang kanyang bahay ay malapit na sa kagubatan at alas-otso na ng gabi kaya ang kanyang mga kapitbahay ay nasa loob na ng kani-kanilang mga bahay.

Bandang 10:00 ng gabi nang may makarinig sa kan­yang kapitbahay at agad namang tumawag ang mga ito ng pulis dahil hindi sila makapasok sa bahay ng matanda dahil naka-lock ang lahat ng mga pintuan dito.

Sa panayam sa mga pulis at rescuers na rumesponde, sinabi ng mga ito na nadatnan nila na maputla na ang buong katawan ni Arrom dahil sobrang higpit na ng pag­kakapulupot ng sawa sa tiyan nito.

Inabot pa ng 30 minuto bago nila maalis ang sawa sa katawan nito dahil bukod sa 13 feet ang haba nito, may bigat pa ito na 20 kilograms. Agad dinala sa ospital si Arrom para gamutin ang mga tuklaw sa kanyang binti. Ang mga sawa ay hindi makamandag na ahas ngunit maaaring magdala ng impeksiyon ang mga tuklaw nito.

Ayon sa National Health Security Office ng Thailand, tumaas ang insidente ng snake attack sa kanilang bansa nitong nakaraang 2023. Mahigit 12,000 katao ang napa­ulat na tinuklaw ng ahas at 26 katao ang namatay dahil dito.

Isa sa maaaring dahilan sa pagdami ng ahas kabilang ang sawa ay dahil sa climate change. Sa panahon ng tag-ulan, may mga malalang pagbaha na nagiging sanhi ng pag-alis ng mga ahas mula sa kanilang mga lungga patu­ngo sa mga mas mataas na lugar, kung saan mas mataas ang tsansa ng pagpunta nila sa mga tahanan ng tao.

Sa kasalukuyan, naka-recover na si Arrom mula sa kagat at pagkakalingkis ng sawa.

vuukle comment

THAILAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with