^

PSN Opinyon

More shocking revelations

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Sana hindi totoo.

Ayon sa PNP, sinisiyasat daw nito ang report  na di­umano’y ipinanreregalo ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga naggagandahang babaing miyembro ng kanyang reli­gious group sa mga kaibigan.

Nakadidismaya ito at kung ako ay kasapi sa isang Igle­syang ganyan ang kalakaran, titiwalag na ako.

Ito raw ay kaugnay sa testimonya ng isang dating miyembro ng KOJC na pinamumunuan ni Quiboloy. Alam ng lahat na maraming pang-beauty queen na kasapi si Quiboloy na ang karamihan ay mga singers sa KOJC Choir.

Ang mga ito ba ay na-hypnotize para gawin ang nais ipagawa ng kanilang leader? Kunsabagay, sa Amerika nga ay may isang pastor na nahimok ang mga miyembro na lumagok ng lason sabay-sabay.

Pero gaano ko man kalalim isipin, parang walang leader ng matinong simbahang Kristiyano ang makagagawa ng ganitong karumal-dumal na bagay na tandisang paglapastangan sa pangalan ni Hesukristo. Sasabihin marahil ng iba na parte ito ng political demolition sa mga Duterte na kaibigang matalik ni Quiboloy.

Totoo man o hindi, nasa kamay na ni Quiboloy na idepensa ang kanyang sarili. Lahat ng akusasyon sa kanya ay karumal-dumal at huwag na nating ilitanya dahil alam na ng lahat.

Ang dalangin ko lang, ang usapin ay hindi mabahiran ng dungis ng pulitika upang mamayani sa dakong huli ang tunay na hustisya.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with