^

PM Sports

SMB, Meralco kakasa sa EASL

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Champion teams na San Miguel Beermen at Meralco Bolts ang kakatawan sa PBA sa ikalawang home-and-away season ng East Asia Super League.

Napili ang Beermen at Bolts matapos pagharian ang Commissioner’s Cup at Philippine Cup, ayon sa pagkakasunod, ng katatapos lang na Season 48.

Tinalo ng SMB ang Magnolia sa Commissioner’s Cup, 4-2, para sa ika-30 nitong PBA championship habang parehong series win ang nasikwat ng Meralco kontra naman sa SMB para sa una nitong titulo.

Sahog nito ay ang tiket sa EASL, kung saan nila makakaharap uli ang mga pinakamagagaling na ball clubs sa East Asia.

SMB at Meralco, na pumalit sa Ginebra, din ang nag-representa sa PBA noong nakaraang season subalit hindi sila nakapasok sa Final Four.

Inaasahang gigil na makaganti ngayon ang dalawang pambato ng PBA upang maibigay sa Pinas ang titulo matapos paghatian ng South Korea at Japan ang unang dalawang seasons.

Anyang ng Korean Basketball League ang nagwagi sa unang season ng EASL na nauwi sa Champions Week dahil sa pandemya habang Chiba Jets ng Japan B. League ang kampeon sa ikala­wang edisyon subalit una sa i­lalim ng home-and-away format.

Sa Lapu-Lapu City, Cebu ginanap ang Final Four at finals ng EASL nitong nakaraang summer.

Ka-grupo ng SMB sa Group A ang Japan champion na Hiroshima Dra­gonflies, Korean runner-up Suwon KT Sonicboom at P.League+ runner-up na Taoyuan Pauian Pilots.

Sa Group B naman ang Meralco kasama ang B. League runner-up na Ryukyu Golden Kings, KBL champion Busan KCC Egis at P.League+ champion na New Taipei Kings.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with