^

PM Sports

2 bigating stakes races pakakawalan sa Metro Turf

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakasalang ang dalawang stakes races para lang sa mga babaeng kabayo ang ilalarga ngayong buwan sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Tanauan City sa Batangas.

Pakakawalan muna ang 2024 PHILRACOM “Lakambini Stakes Race” na aarangkada sa darating na Linggo kung saan ay nasa 12 tigasing kabayo ang nagsaad ng paglahok.

Susunod na ilalarga ang 2024 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” na pasisibatin naman sa Setyembre 29 pero wala pang mga kabayong nomidong tatakbo.

Nagdeklara ng paglahok sa Lakambini race ay ang Amazing, Amor My Love, Beltuna, Boss Lady, Caring Melody, Every Sweat Counts, Hearte­ning To See, High Dollar, Malibu Princess, Over Azooming, Primavera at The Kiss.

May nakalaan na P500,000 guaranteed prize na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta sa distansyang 1,600 meter race.

Para sa Sampaguita Stakes Race, paglalaba­nan din ang garantisadong P500,000 premyo na ipamumudmod sa top six na tatawid sa finish line.

Kaya tiyak na aaba­ngan ito ng mga karerista lalo na at mga tigasing kabayo ang paparada sa pista.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with