Peralta bumuhat ng gold sa Asian youth
MANILA, Philippines — Nadagdagan ang kaban ng Pinoy junior weightlifting team matapos angkinin ang ikaapat na gintong medalya sa 2024 Asian Youth Weightlifting Championships sa Doha, Qatar.
Galing ang ginto kay Jhodie Peralta na nangibabaw sa Youth Women’s 55-kilogram category.
Pinagreynahan ni Peralta ang total matapos bumuhat ng 184 kg.
Tinalo ni Peralta sina Koyel Bar ng India na nagkasya sa pilak matapos maglista ng 182 kg at Luong Thi Thanh Tuyen ng Vietnam na nagtala naman ng 178 kg para sa tansong medalya.
Nagkasya lang si Peralta sa pilak sa clean and jerk bunsod ng nakuha nitong 100 kg.
Sa snatch bumuhat ito ng 84 kg.
Sumalang din si Peralta sa women’s junior 55 kg event kung saan nagtala ito ng parehong 184 kg. ngunit nagtapos lamang ito sa ikaapat na puwesto.
Nangibabaw sa naturang event si Chen Guan-Ling ng Chinese-Taipei na may impresibong 214 kg.
Sa kabuuan ay may apat na gintoang Team Philippines sa naturang torneo.
- Latest