^

PM Sports

Mei Cing muling bumida sa Ablaze

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinataw ng nagdedepensang Kurashiki Ablaze ang ikalawang sunod na panalo sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference matapos ang 25-13, 25-16, 25-16 dominasyon sa Farm Fresh kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Muling binanderahan ni Malaysian middle blocker Low Mei Cing ang Ablaze sa kanyang 12 points at may 10 markers si Saya Taniguchi para sa kanilang 2-0 record.

Nagmula ang Japanese team sa 25-20- 25-18, 23-25, 25-21 paggupo sa EST Cola ng Thailand sa pagbubukas ng torneo noong Miyerkules.

May siyam na puntos si Trisha Tubu kasunod ang walong marka ni Japanese import Asaka Tamaru sa panig ng Foxies.

Samantala, sasagupain ng 2024 PVL Reinforced Conference champions na Creamline ang EST Cola ngayong alas-2 ng hapon sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon ay magtutuos ang Farm Fresh at Cignal HD Spikers.

Nagmula ang Cool Smashers sa pagsungkit sa kanilang pang-siyam na korona matapos talunin ang Akari Chargers sa knockout finals ng Reinforced Conference.

Ang titulo ng Invita-tional Conference ang pilit na idadagdag ng tropa ni coach Sherwin Meneses.

 

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with