^

PSN Opinyon

Tips para maingatan ang mga mata

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Narito ang mga dapat gawin upang makaiwas sa sakit ang mga mata.

1. Kumain ng mga maber­­deng gulay tulad ng kangkong, broccoli, camote tops (talbos) at spinach, na nagpapalinaw ng ating paningin. Siyempre ang mapupulang karot, kala­basa at kamatis (3K’s) ay may taglay na vitamin A para sa mata. Ang dilaw na pakwan ay may sangkap na lutein na kailangan din ng mata. Ang pagkain ng matatabang isda tulad ng tuna, tamban at tanigi (3T’s) ay mahalaga rin.

2. Magsuot ng sunglass. Pinuprotektahan ng sunglass ang ating mata laban sa masasamang ultraviolet rays ng araw. Ang ultra­violet rays (UV rays) ay puwedeng “makasunog” sa looban ng ating mata. Bumili ng sunglass na may mar­kang UV-A at UV-B protection.

3. Mag-ehersisyo. Ang 30 minutos na ehersisyo ay pu­­we­deng magpababa ng pressure ng mata. Ang pag­hi­nga ng malalim at pag-relaks ay makatutulong din sa sakit na glaucoma, kung saan mataas ang pressure ng mata.

4. Mag-ingat sa sports. Magsuot ng espes­yal na pro­tection eyeglasses, na nabibili sa mga sports shops. Gawa ito sa polycarbonate, isang uri ng matigas na plastic. Ga­nito ang suot ng NBA players para protektahan ang kanilang mata.

5. Maghugas ng kamay para makaiwas sa sore eyes. Huwag basta-bastang magkamot o punasan ang mata. Gumamit ng panyo o tissue.

6. Ipahinga ang mata. Puwedeng ipikit ang mata habang ika’y nakasakay sa kotse o kaya ay may kinakausap sa tele­pono. Matulog din ng 7-8 oras.

7. Maghugas ng mata sa paggising at bago matulog. Gumamit lang ng malinis na tubig.

8. Kung may diabe­tes, malaki ang tsansang mag­karoon ng diabetic eye disease. Siguraduhin mababa ang iyong blood sugar sa pamamagitan ng ehersisyo at gamot.

9. Huwag tum­itig sa araw at maliwanag na ilaw. Ito ang pinakamahalagang payo para hindi masira ang ating mata. Subukan ding diliman ang ating computer screen at tele­bisyon para hindi masilaw.

MATA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with