^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Respituhin ang Senado

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Respituhin ang Senado

DALAWA na ang mga personalidad na bumabalewala at hindi nirerespeto ang Senado. Una ay ang founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy na patuloy na nagtatago sa batas at ikalawa ay si suspended Bamban, Tarlac mayor Alice Guo.

Si Quiboloy at mga miyembrong sina Cresente Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes, Jackiely Roy at Paulene Canada ay nahaharap sa mga child prostitution, sexual abuse, human trafficking, at acts of neglect, abuse, cruelty and exploitation. Si Quiboloy ay may pabuyang P10 milyon samantalang tig-P1-milyon sa kanyang mga kasamahan. Tanging si Paulene Canada pa lamang ang naaaresto.

Si Guo ay nahaharap sa kaso na may kaugnayan­ sa sinalakay na Philippine Offshore and Gaming Ope­ration (POGO) na nasa kanyang compound sa Bamban, Tarlac. Dalawang beses sinalakay ang POGO hubs sa Baufu compound na pag-aari umano ni Guo. Pinabulaanan naman ito ni Guo.

Bukod kay Guo, pitong iba pa ang sinilbihan ng warrant of arrest ng Senado dahil sa hindi pagdalo sa pagdinig. Tanging ang accountant ni Guo na si Nancy Jimenez Gamo ang natagpuan sa kanyang address. Nasa kustodiya na siya ng Senado. Hindi rin makita at bigong maisilbi ang warrant kina Dennis Lacson Cunanan, Sheila Leal Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen L. Guo, at Wenyi Lin. Katulad ni Alice Guo, wala ang mga nabanggit sa address na nakasaad sa warrant of arrest.

Kahapon, sinabi ng abogado ng suspended mayor na dadalo na raw sa pagdinig ng Senado sa Hulyo 29. Hindi naman daw nagtatago ang kanyang kliyente at pinapayuhan pa nga raw niya na lumantad na at dumalo sa Senado. Ayon pa sa abogado, natatakot daw ang kanyang kliyente dahil may mga nagbabanta sa kanyang buhay.

Una nang sinabi ng kampo ni Guo na stress at maysakit ito kaya hindi makadalo sa Senate hearing. Pero sabi naman ng Senado, na hindi makapagharap ng medical certificate si Guo bilang patunay na may sakit o nagdaranas ng anumang karamdaman.

Marami naman ang naghihinala na kaya hindi dumadalo at patuloy na iniisnab ni Guo ang Senado ay dahil wala na ito sa bansa. Maari raw nakatakas na ito. Pero sabi ng abogado ni Guo, narito pa sa bansa ang kanyang kliyente.

Nararapat harapin ni Guo ang pagdinig. Respi­tuhin niya ang Senado. Huwag magtago sapagkat lalo lamang tumitibay ang hinala na mayroon siyang ipi­naglilihim. Ang pagtatago ay nagpapahiwatig na “guilty”.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with