^

PSN Opinyon

4 na sangkot sa pekeng sigarilyo, nakorner ng PNP!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

HINDI tinatantanan ng PNP ang paghabol dito sa mga ilegalista na sangkot sa cigarette smuggling. Nitong naka­raang araw lang, apat na kalalakihan ang na-intercept ng PNP at Coast Guard habang magdedeliber ng P3.8 milyong halaga ng smuggled cigarettes. Galing pa ang da­lawang bangka ng mga suspects sa Basilan at mahaba-habang biyahe rin ang Negros Occidental, di ba mga kosa? Ano ba ‘yan Boss Sakur?

Tama lang na umaksiyon si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil laban sa cigarette smuggling dahil umiiyak na ang mga legal cigarette manufacturer. Hindi lang ‘yan? Pati gobyerno no President Bongbong Marcos ay nalalagasan din ng aabot sa P60 bilyong tax kada taon bunga sa illegal na aktibidades. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inaresto sina Junior Mahalail, 31, isang construction worker; Piong Ibnain, 18, fisherman; Soji Toni, 20, fisherman, at Azwan Mohamad, 19, isang Malaysian at fisherman, sa Bgy. 2, Ilog, Negros Occidental. Ang ibinigay nilang address ay Bgy. Diki, Isabela City, Basilan. Ang layo na ng nara­rating ng mga cigarette smugglers, no mga kosa?

Nasakote sila ng nag-aabang na operatiba ng Ilog Police Station na armado ng intel report ng cigarette manu­facturers, ayon kay M/Sgt. Mac Anthony Mugatar, officer-on-case. Simple lang p’ro rock, no mga kosa? Ang sakit sa bangs nito!

Ayon kay Mugatar, kadadaong lang ng dalawang bangka, na kung tawagin ng Coast Guard ay Jungkong, nang ma­sakote ng Ilog MPS ang mga suspects. Nakumpiska sa kanila ang 155 boxes ng untaxed cigarettes na may tatak na Casablanca red, New Berlin red, Canon menthol green, Fort green at Durston red. Ang isang box, ani Mugatar, ay naglalaman ng 50 reams kaya ang nakumpiskang pekeng sigarilyo ay aabot sa 7,750 reams na may kabuuang hala­gang P3,875,000.00. Mismooo!

Ang mga suspects ay nai-turnover sa custody ng Philip­pine Coast Guard at Bureau of Internal Revenue (BIR) for pro­per disposition. Samantalang ang nakumpiskang pekeng siga­rilyo ay nasa pangangalaga na ng BIR Bacolod Office.

Maliban sa Ilog PNP, Coast Guard at BIR, ang support units sa operation ay ang 604th RMFB6, 4th SOU, PNP-MG, at Bacolod MARPSTA-MG. Hayan, kumpleto rekado na ‘yan ha, mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kumpiskado na din ang dalawang bangka at ang mga suspects ay naka-inquest na sa Negros Occidental RTC. Hindi pa maarok ng pulisya kung sino ang isusuplayan ng mga suspects na pekeng sigarilyo sa bayan ng Ilog. Ayon sa mga kosa ko, isang beses kada buwan kung bumiyahe ang mga Jungkong papunta sa Ilog town. Tsk tsk tsk! Sa ibang lugar kaya ng Pinas, nagdedeliber din ang mga suspects ng pekeng sigarilyo? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga! Ano pa ng aba?

Pasasaan ba’t masusupil din ng PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno itong rampant na kaso ng cigarette smuggling. Anong sey mo Boss Sakur? Abangan!

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with