^

PSN Opinyon

Drogang napadpad sa karagatan ng Region I, 108 pakete na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Walang patid ang pag-monitor ng pulisya sa karagatan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at Pangasinan para makum­piska pa ang mga droga na nagkalat sa high seas. Sinabi ni Brig. Gen. Lou Evangelista, director ng PRO1 na halos 14 pang pakete ng droga ang narekuber ng mga mangi­ngisda mula nang masunog sa Ilocos Sur ang 94 ­packages na naunang isinuko ng mga fishermen.

Ayon sa PDEA sa Burma nanggaling ang droga at hindi ito parehas ng nakumpiska sa Alitagtag, Batangas dahil magkaiba ang packaging nila. Mismooooo! Sinabi ni Evangelista na hindi intended sa Region I ang shipment ng droga dahil halos tinubuan na ang ibang packages ng shells. Eh di wow! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hindi lang panghuhuli ng isda ang pinagkaabalahan sa ngayon ng mga mangingisda kundi pati ang paghanap ng mga pakete ng droga.  Kasi nga naman nagbigay ng kaukulang reward sina Evangelista, PDEA director general Moro Lazo at Ilocos Sur Gov. Jerry Singson sa mga mangingisda na nagsuko ng mga pakete ng shabu.

‘Ika nga, natuwa naman ang mga fishermen sa blessings na dumating sa buhay nila. Kaya kung maraming mangingisda ang lumalaot sa ngayon, alam n’yo na ang dahilan, ha mga kosa? Sanamagan! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ayon pa kay Evangelista, kasama nila ang PDEA at Coast Guard sa pagkalap ng shabu packages. Mukhang makaluma ang nasa likod nitong droga dahil walang GPS ang kada pakete. Kapag may GPS kasi mga kosa, pipik-apin lang ito ng mga sasalo sa Pinas at presto… kakalat ang droga sa kalye. Get’s n’yo mga kosa?

Ang obserbasyon lang ng pulisya, high grade ang droga at puwede pang saksakan ng ibang ingredients para dumami kapag inilako sa kalye. Dipugaaa! Umaabot na sa P700 milyon ang drogang nakumpiska at magko-convene ang PNP, PDEA, Coast Guard at LGUs sa darating na linggo para pag-usapan ang next move nila. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang unang mga pakete ng droga ay nakuha sa karagatan ng Pangasinan noong June 16 samantalang sa Ilocos Sur naman noong June 24. Nitong nakaraang mga araw ay sa Ilocos Norte naman at wala pang nakita sa dagat ng La Union. Ayon sa Coast Guard, wala namang report na may nasirang barko o yate sa karagatan ng Region I.

Kaya naman nasabi ni Evangelista na hindi intended ang shabu sa Region 1 dahil sa pagmonitor ng RDEU n’ya, minimal lang ang supply ng droga sa hurisdiksiyon niya. Pero hindi naman nagpapahinga si Evangelista dahil patuloy ang assessment niya sa supply ng droga sa area n’ya para maiwasan na masalisihan siya. Mismooo!

Halos aabot na sa P1.3 trilyon ng droga ang narekober ng pulisya mula Enero hanggang Hulyo 7 at kasama na rito ang pakete ng shabu na nakumpiska sa Region 1, ayon kay PDEG director Brig. Gen. Eleazar Matta. Mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 7 lang, aabot sa P13 milyong droga ang nakumpiska ng bataan ni Matta sa 10 operations na isinagawa ng PDEG. Hanep ha!

Naaresto ang 11 pushers, siyam dito ay high value target at nakumpiska ang 1,033 grams ng shabu, 100 pirasong ecstasy tablets, 700 grams kush at 27,000 marijuana. Ang sakit sa bangs nito. Abangan!

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with