^

PSN Opinyon

Law enforcement sa Pinas mahina?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Ito ang nabubuo sa isipan nang marami: Mahina ang imple­mentation ng batas sa ating bansa. Sa tingin ko, mahina lang kapag ang mga tinutugis na personalidad ay mga prominente, masalapi at maimpluwensiya.

Alam n’yo na ang tinutukoy ko. Mga personalidad gaya nina dating Mayor Alice Guo at Pastor Apollo Quiboloy na hanggang ngayon ay hindi pa rin mahuli-huli gayong sina­sabi na nasa loob pa rin ng bansa.

Idagdag ko pa riyan si dating Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves na nasa Timor Leste pa rin pero wala pang linaw ang request ng pamahalaan para sa extradition. Siya ang suspected mastermind sa asasinasyon ni Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Kinalampag ng Kabataan party-list ang Philippine National Police (PNP) sa mabagal na pagdakip kina Quiboloy at Guo na malaki ang pananagutan sa batas. Patung-patong ang kaso laban kay Quiboloy na may kinalaman sa human trafficking, child abuse at iba pa samantalang si Guo ay hinihinalang espiya ng China na nagpapanggap na Pilipino kaya naging mayor pa ng Bamban, Tarlac. Nasasangkot din si Guo sa ilegal na operasyon ng POGO.

May katwiran tawagang-pansin ng madla ang PNP dahil nasisira ang kredibilidad ng ating law enforcement habang un­duly delayed ang pagdakip sa mga tinuran nating personahe.

Kung ganyan ang takbo ng pagpapatupad ng batas, kanino pa magtitiwala ang mga taong napagkakaitan ng hustisya? Mas matindi kung paghihinalaan ng madla ang mga awtoridad na natatapalan ng salapi upang makalusot sa pag-uusig ng batas ang mga kriminal. Higit lalong masakit ito sa mga biktima nila.

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with