^

PSN Opinyon

Magsuot ng malambot na sapatos

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

MALAKI ang benepisyo ng paggamit ng malambot na sapatos, tulad ng rubber shoes o walking shoes.

Narito ang mga magagandang dulot:

1. Iwas sa arthritis at sakit sa buto. Sa paggamit ng rubber shoes, mapro-protektahan ang iyong mga buto, mula sa balakang, likod, tuhod, sakong at talampakan. Kapag tayo ay nakatsinelas o gumamit ng matigas na sapatos, mapupuwersa ang mga buto at litid. Matigas ang semen­tong nilalakaran at napupunta ang pressure o diin nito sa mga buto. Dahil dito, madaling magkakaroon ng arthritis at sakit sa tuhod, paa at iba pa.

2. Para makapag-ehersisyo. Dahil mas komportable ang rubber shoes, mas makapaglalakad nang malayo. Ang pag­lalakad ay napakagandang ehersisyo para sa katawan.

3. Iwas aksidente. Mas hindi madadapa o maaaksidente kung naka-rubber shoes. Mas malakas ang kapit nito sa lupa at hindi madudulas.

4. Ipinapayo ko sa lahat, lalo na sa mga lampas 40 years old, na magsuot palagi ng rubber shoes. Mayroon ding mga walking shoes na makapal ang suwelas. Puwede na rin ito.

4. Piliin ang sapatos na tama ang sukat para sa  paa. Mag­suot din ng medyas para maprotektahan ang balat sa paa.

5. Sa kabilang banda, hindi maganda sa katawan ang paggamit ng high heels o yung mataas ang takong. Sasakit ang iyong likod dahil hindi tama ang iyong balanse.

6. Kapag luma na ang rubber shoes, dapat na itong palitan. Huwag hintayin na mabutas ang rubber shoes bago ito palitan. Pagkaraan ng isang taon, baka napudpod na ang suwelas ng rubber shoes at nabawasan na ang proteksyon nito sa iyong buto.

7. Alagaan ang ating mga buto. Magsuot ng malambot na sapatos o rubber shoes.

vuukle comment

DOC WILLIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with